Mas type ang may edad
Dear Dr. Love,
Sa edad kong 31 years old ay binata pa rin ako. Madalas akong tuksuhin na bading dahil pawala na raw ako sa kalendaryo, pero wala pa rin akong girlfriend.
Very private type of person rin kasi ako at hindi makwento. Pero sa totoo lang, may type ko na ka-officemate. Nga lang 10 years ang tanda niya sa akin. Bukod dun ay single mother siya na matagal nang hiwalay.
Matagal ko na siyang gustong ligawan. Pero ‘yung minsan nabanggit niya na wala na siyang planong mag-asawa uli, ang mistulang naging malaking blokeng humaharang sa akin para i-push ang feelings ko.
Ewan ko ba, hilig ko talaga ‘yung babaeng mas may edad dahil mas mature na sila. Mas attractive ako sa mga babae na wala nang pa-bebe mode.
Nababaduyan ako sa mga ganong klase at parang waste of time lang dahil madalas wala pang pokus sa rela-
syon. May isa akong ka-officemate na ganon. Panay pa-cute sa akin, hindi ko talaga type.
Bakit kaya ganun, kung sino ‘yung mahal mo, ayaw sa iyo? Ano ba ang gagawin ko?
Tim
Dear Tim,
Wala ka pang ginagawang move, pero umaayaw ka na. Ang aga pa para sumuko. Bakit hindi mo muna subukan na manligaw? Bigyan mo ang iyong sarili na ipahayag ang tapat mong hangarin.
Puwede namang friendship muna, para mapatunayan mo sa kanya ang malinis mong motibo. Tiyak na na-trauma siya sa una niyang mister, kaya sikapin mong maipakita sa kanya na deserve niya ang second chance at iparamdam na ikaw nga ang tamang lalaki para sa kanya.
Dr. Love
- Latest





















