Janice, ayaw umepal kina Daniel at Kaila!

Ayaw umepal ni Janice de Belen sa relasyon nina Daniel Padilla at anak na si Kaila Estrada.
“I am just happy that Kaila is happy, ‘yon lang. Para sa isang parent, ang gusto mo lang ay maging masaya sila. When you see that your child is happy, anong karapatan mong makialam at gumitna doon sa happiness? Basta happy ka, ‘yon lang ang gusto ko,” pahayag ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda.
“I always tell my children kasi, since gusto n’yo ‘yung relationship na ‘yan, there will always be misgivings coming from me. Kasi ang gusto mo lang as a parent hindi sila masaktan, ‘di ba? ‘Yon lang ‘yon, huwag masaktan, huwag mahirapan,” diin niya.
At ayaw raw niyang maranasan ng mga anak ang kanyang mga pinagdaanan noon pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon. “Of course, pero I will not impose. And because naging rebelde rin ako in a way. I’ve always asked my parents to trust me. So nagri-ring ‘yon sa ulo ko every time naiinis ako or parang, ‘Tama ba ‘to?’ Lagi kong naiisip ‘yon. ‘Hoy! Janice, sinasabi mo rin ‘yan dati, pagkatiwalaan ka.’ So, I have to trust my children na kaya nilang panindigan, and whatever happens, they’ll come out of it okay,” paglalahad ng aktres.
Manny at Jinkee, handang-handa na sa kasal ng anak
Very proud sina dating senador at boxing legend Manny Pacquiao at misis na si Jinkee Pacquiao sa panibagong milestone ng kanilang anak na si Queenie Pacquiao. Nagtapos ito sa Brent International School Manila bilang bahagi ng Class of 2026.
Sa mga larawang ibinahagi ni Jinkee sa social media, makikitang emosyonal at masaya ang pamilya habang ipinagdiriwang ang graduation ni Queenie. Kasama rin sa selebrasyon ang kapatid nitong si Michael Pacquiao.
“Congratulations, Queenie! So proud of you today and always. We can’t wait to see what God has in store for you,” ani Jinkee sa kanyang Instagram post.
Dagdag pa niya, mula sa unang araw ng pagpasok ni Queenie sa paaralan hanggang sa pag-akyat nito sa entablado bilang graduate, naging isa umano itong malaking biyaya at kasiyahan para sa kanilang pamilya.
“From your first day of school to walking across the graduation stage, you have been our greatest joy. May your future be as bright and beautiful as you are. We love you so much,” dagdag ni Jinkee.
Umani naman ng pagbati mula sa mga kaibigan at tagasuporta ng pamilya Pacquiao ang post para kay Queenie, na ngayon ay handa nang harapin ang susunod na yugto ng kanyang buhay matapos ang high school.
Samantala, anytime ay aalis na ng bansa ang mag-asawa para sa kasal naman ng anak nilang si Jimuel sa partner nitong si Carolina na magaganap sa June 12 sa Amerika.
May invitation na ang mga guest na lilipad pa-US para sa nasabing kasalan.
May isang apo na ang mag-asawang Pacquiao sa ikakasal.
Last week ay nag-post na si Jinkee ng: “I miss you Clara, Jimuel, and Carolina! See you soon!”
- Latest
























