OFW nang-rape ng anak, na-extradite mula Bahrain

MANILA, Philippines — Isang ama na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Bahrain ang ipinaaresto ng sariling anak dahil sa panggagahasa ng ilang ulit sa panahong umuuwi ng bansa, ayon sa National Bureau of Investigation.
Sa pulong-balitaan nitong Biyernes, iniharap sa media ang akusado na inaresto ng NBI-International Operations Division (IOD), sa pamamagitan ng extradition sa pakikipag-ugnayan sa international law enforcement authorities at Interpol.
Sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 5, Family Court, Fourth Judicial Region, Trece Martires City, Cavite, sa kasong 2 counts of Rape, hiniling sa Interpol ang red notice laban sa suspek noong Enero 2026.
Noong Abril 16, 2026, ibinahagi ng Philippine Center for Transnational Crime (PCTC) sa NBI na naaresto na ang suspek sa Bahrain at agad naaprubahan ang extradition nito.
Isang escort team ang ipinadala sa Bahrain nitong May 18 at sinalubong ng mga ahente ng NBI-IOD ang akusado pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 alas-11:54 ng umaga ng Mayo 21, at agad siyang dinala sa NBI detention facility sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
- Latest

















