Gawad kalinga founder arestado sa ‘trafficking’!

CEBU, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office ang founder ng Gawad Kalinga, isang kilalang non-governmental oragnization (NGO) sa ikinasang operasyon sa isang farm sa Brgy. Engkanto, Angat, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni PCol. Jay Baybayan, Officer in Charge ng Bulacan Police Provincial Office ang dinakip na si Tony Meloto, founder ng Gawad Kalinga Community Development Foundation Inc.
Ayon kay Col. Baybayan, may warrant of arrest si Meloto para sa kasong Qualified Trafficking sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, mula sa Malolos Regional Trial Court Branch 76.
Nabatid na walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Meloto.
Matatandaan na nadawit si Meloto noong Setyembre ng nakaraang taon sa mga alegasyon na minolestiya niya umano ang dalawang lalaki na benepisyaryo ng kanyang foundation.
Nadawit din si Meloto sa reklamong acts of lasciviousness, sexual harassment at human trafficking.
Magugunitang nauna na niyang itinanggi ang mga alegasyon, at sinabing isa umano itong “demolition job” laban sa kanya.
- Latest






















