^

Dr. Love

Magmahal nang may tiwala

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Aminado na po ako na medyo “selosa overload” ako bilang girlfriend. Noong una, akala ko cute lang ang pagseselos ko. Kapag may naka-heart react sa post ng boyfriend ko, nagtatanong agad ako. Kapag may ka-chat siyang classmate o katrabaho, iniisip kong may iba na. Minsan pati simpleng pag-like niya sa picture ng iba, nagiging issue sa amin.

Hanggang sa napansin kong nagbago siya. Dati sweet, masipag mag-update, at excited akong makita. Pero ngayon parang napipilitan na lang. Madalas tahimik, malamig, at minsan sinasabi niyang napapagod na siya sa kakapaliwanag kahit wala naman daw siyang ginagawang masama.

Dr. Love, masakit isipin na baka ako rin ang dahilan kung bakit nawawalan siya ng gana sa relasyon namin. Mahal ko siya, pero aminado akong minsan nadadala ako ng takot na baka iwan niya ako. Ngayon tuloy parang ako mismo ang nagtutulak sa kanya palayo.

Ano po ba ang dapat kong gawin bago tulu-yang mapundi ang pagmamahalan namin?

Lhaine

Dear Lhaine,

Ang selos, parang sili sa pagkain — kapag tama lang, may thrill. Pero kapag nasobra-han, hindi na malasahan ang sarap ng relasyon.

Normal lang magselos dahil parte ito ng pagmamahal. Pero kapag araw-araw nang interrogation ang relasyon, nakakapagod din sa taong paulit-ulit na nagpapatunay ng katapatan.

Subukan mong bawasan ang pagiging detective at dagdagan ang pagiging partner. Dahil ang relasyon, hindi pinapatibay ng selos…kundi ng respeto, tiwala, at tamang pag-unawa.

Baka kaya pa siyang bumalik sa dating sigla kung mararamdaman niyang mahal mo siya nang may tiwala, hindi pagmamahal na laging may kasamang “imbestigasyon.”

DR. LOVE

 

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with