^

PM Sports

Barangay Bahay Toro hari ng MB Cup Season 2

Pang-masa
Barangay Bahay Toro hari ng MB Cup Season 2
Si Quezon City No. 1 Councilor Mikey Belmonte kasama ang MB Cup Season 2 champion Barangay Bahay Toro.

MANILA, Philippines — Matagumpay na nairaos ni Quezon City No. 1 Councilor Mikey Belmonte ang kanyang MB Cup Season 2 matapos magkampeon ang Barangay Bahay Toro.

Tinalo ng Barangay Bahay Toro ang Barangay Commonwealth, 99-93, sa Game Three ng kanilang best-of-three championship series sa Novadeci Convention Center sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala si Ryan Ricasio ng Barangay Bahay Toro bilang MB Cup Finals MVP matapos magtala ng 16 points, 8 rebounds at 7 assists sa torneong nilahukan ng kabuuang 115 barangay sa QC.

Ang Barangay Payatas ang kumuha sa third place trophy.

“Sabi ko talaga, nakikita ko na iyong laro ay hindi lang basta laro, iyong sports ay hindi lang balewala. Napansin ko rin pagdating sa mga kabataan, nakakaiwas sila sa masamang bisyo,” ani Belmonte, ang awardee ng Gawad Pilipino Outstan­ding Leadership sa Vietnam International Awards.

Kaya naman hangga’t maaari ay gagawin ni Belmonte ang lahat ng kanyang makakaya para sa kabataan ng QC.

Pinasalamatan din ng Quezon City Councilor sina Senator Bong Go at Philippine Sports Commission chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio para sa kanilang ibinigay na solidong suporta para sa MB Cup Season 2.

Ayon kina Go at Gregorio, malaking kontribusyon ang MB Cup sa paghubog ng kaisipan ng susunod na henerasyon at sa kaunlaran ng sambayanan.

BASKETBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with