^

Police Metro

Van bumangga sa bahay, 2 patay, 2 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan makaraang bumangga ang isang van sa isang bahay sa Brgy. Dakit, Barili, Cebu.

Kinilala ang mga nasawi na sa mga pangalan na Arturo, 64-anyos, driver ng van at sakay nitong si Andres, 56-anyos habang nasugatan ang dalawa pang pasahero na sina Vergita, 60-anyos at Rocelyn, 48-anyos.

Sa ulat ng Cebu Police, nangyari ang insidente kama­kailan sa highway ng Brgy. Dakit, Barili ng lalawigang ito.

Lumalabas sa imbestigasyon ang mga biktima ay lulan ng mini van pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Tubod ng bayang ito nang magloko ang preno ng sasakyan kaya’t nagpagewang-gewang ang takbo hanggang sa bumangga sa isang bahay sa tabi ng highway na ikinasawi ng mga biktima habang dalawa pang lulan ng sasakyan ang nasugatan.

ACCIDENT

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with