Imee namamangka sa 2 ilog – Panelo

MANILA, Philippines — Namamangka umano sa dalawang ilog si Sen. Imee Marcos kaya hinamon ito ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na magsampa ng impeachment complaint laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni Panelo ang hamon dahil sa paniwala ni Marcos na hindi tama na isinuko ng gobyerno ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Nauna rito inimbestigahan ng komite ni Marcos ang paglabag sa ginawang pag-aresto kay Duterte at pagdadala sa kanya sa The Hague, Netherlands.
Sinabi ni Panelo na kung talagang seryoso si Marcos ay dapat siya mismo ang magsampa ng reklamo laban sa kanyang kapatid.
Naniniwala rin si Panelo na gusto lamang ni Marcos makuha ang simpatya ng mga taga-suporta ni Duterte kaya dumistansiya na ito sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na sinusuportahan ng Pangulo.
- Latest