^

PSN Showbiz

Sexy actor, pinagdadamutan ang pamilya

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Pinagdadamutan daw ng isang sumikat ding sexy actor ang kanyang pamilya lalo na’t may accla na rin siyang sponsor kaya lie low muna sa showbiz.

Pagdating sa pagbigay ng pera, binawasan ng sexy aktor ang ibinibigay. At take note, hindi na rin ito regular gaya nung aktibo pa sa showbiz, huh!

What’s worse, sa isang bahay na naipundar sa probinsiya na malapit din naman sa Metro Manila, ayaw niyang patirahin doon ang pamilya para magkaroon ng permanenteng tirahan dahil siya naman eh may condo na.

Kaya ‘yung nakakakilala sa aktor at nalaman ang pagiging maramot sa pamilya eh kinainisan ang ugali niya!

Espantaho, tuloy ang laban sa International FilmFest

Patuloy ang pamamayagpag ng pelikulang Espantaho nina Lorna Tolentino at Judy Ann Santos sa international film festivals.

Matapos manalo ni Judy Ann bilang best actress sa Fantasporto International Film Festival, heto at sa Houston, Texas naman ang kumpetisyon ng movie sa Abril.

Ayon sa lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso, sasabak din ang Espantaho sa European festival sa Mayo.

Samantala, selected for programming sa 58th Annual WorldFest Houston International Film Festival ngayong April 24 hanggang May 4, 2025 rin ang pelikula.

Nominated din ang Espantaho na tanggapin ang isang sa prestigious Remi Awards.

Congratulations, Team Espantaho!

SEXY ACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with