MILF commander patay, 3 pa sugatan sa ambush
COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa naganap na ambush sa isang mataong intersection sa Cotabato City nitong Miyerkules.
Sa ulat kahapon ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na idineklarang dead on arrival sa Cotabato Regional Medical Center ang MILF commander na si Ahmad Kanapia Utto, ng Barangay Barurao sa Sultan Sa Barongis, Maguindanao del Sur.
Nasugatan naman ang tatlong kasama na sina Marato Angkangatan Felmin; Jaypee Felmin Emran; at Tahir Tega Sam na mga nagtamo ng mga tama ng bala.
Sa ulat,sakay ng isang Hilux pick-up truck si Utto,Angkangatan at Emra na kapitolyo ng Bangsamoro Region.
Pagliko sa kaliwa, sa Sinsuat Avenue mula sa Gov. Gutierrez Avenue, nang lapitan sa sentro ng naturang intersection at pagbabarilin ng .45 caliber pistol ng isang lalaki na mabilis na nakatakas.
Nasugatan naman si Sam nang tamaan ng ligaw na bala habang nakatayo malapit sa pinangyarihan ng ambush.
Ayon sa mga opisyal ng Cotabato City Police Office, posibleng personal grudge ang motibo ng ambush dahil ang mga biktima ay sangkot diumano sa mga “rido,” o away ng mga angkan sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.
- Latest