^

PSN Showbiz

MMFF, extended ng isang linggo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MMFF, extended ng isang linggo!
“MMFF Extends Run Until January 14 Due to Insistent Public Demand. Amid calls for an extension by numerous movie enthusiasts and the general public, the Metro Manila Film Festival (MMFF) will extend the theatrical run of the official entries until January 14 in select cinemas only.

Maganda ang announcement na ipinarating sa amin ng MMFF Spokesperson at ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer na extended ang 50th Metro Manila Film Festival hanggang January 14.

“MMFF Extends Run Until January 14 Due to Insistent Public Demand. Amid calls for an extension by numerous movie enthusiasts and the general public, the Metro Manila Film Festival (MMFF) will extend the theatrical run of the official entries until January 14 in select cinemas only.

“Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman and concurrent MMFF overall Chairman Atty. Don Artes expressed his deepest gratitude for the continued patronage of moviegoers to the MMFF.

“The festival is supposed to end tomorrow, January 7, but has now been extended for a week.

“We, at the MMFF, are overwhelmed with the continued support of the public for the festival’s 50th edition. Due to public clamor, we have decided to extend the theatrical run of the MMFF movies to further showcase the locally produced films that are truly impressive and artistically excellent, said Artes.”

Bahagi ng announcement na ini-release ni Sir Noel Ferrer.

“With the said extension, MMFF complimentary passes will also be honored until January 14.

“Artes added that the MMDA is hopeful that the 2024 MMFF earnings will continue to increase.

“Organized by the MMDA, the MMFF is aimed primarily at promoting and enhancing the preservation of Philippine cinema,” dagdag niyang pahayag.

Pinabulaanan nila ang unang ibinalita nating hindi pa raw umabot ng 600M ang total gross.

Pero nilinaw naming iyun ang nakuha nating unofficial report as of Friday, January 3.

Nagtanung-tanong uli kami sa mga sinehan kung lumakas pa nang mga sumunod na araw, tumaas daw noong Sabado, pero nung Linggo ay hindi na gaano.

Sa extension, hindi na ito pawang mga MMFF movies dahil may ilan nang pelikulang magbubukas sa January 8.

Titiyakin lang daw nila na meron pa ring mga sinehan ang lahat ng pelikulang kalahok.

Ang tanong lang dito, ay ilan naman kaya?

Abangan na lang natin ang official announcement mula sa Executive Committee ng MMFF kung magkano talaga ang kabuuang kinita ng sampung pelikulang kalahok.

Sana umabot man lang ng 800M na iyun ang pino-project nilang total gross.

Dragon Babies, handa nang makipagtapatan sa ibang P-pop group

Marami tayong aabangan sa ngayong taong 2025. Bukod sa mga bagong pelikula, collaboration ng malalaking produksyon at bagong TV shows, pati mga bagong mukha at talento.

Ilan dito ay mga promising talents ng Dragons Entertainment Productions, Inc. ni Bambbi Fuentes ka-partner si Ms. Tine Areola ng Bait Lehem.

Inilunsad nila sa Music Box noong Linggo ang mga promising talents nila na dumaan sa workshop at matinding training.

Dalawang girl groups ang nag-perform sa kanilang launching na kung saan nagpasiklab ang grupong Gandaras ng kanta nilang Kiss Kiss. At ang isa pang grupo ay ang Irizz na ang ganda rin ng single nilang Klaro.

Nabuo ang Gandaras nang sumali sila noong 2021 sa POPinoy, ang talent and reality show sa TV 5.

Ani Bambbi; “Nung nagkaroon ng reality show sa TV 5 yung POPinoy…so ano lang e, sobrang pandemic. Closed ang salon ng two years, so ginawa naming studio ‘yung salon.

“Sumali sila, ang luckily from 150 girl groups down to top 7 ‘yung Gandaras.

“So, naisip namin bakit hindi na lang natin itutuloy? And we are already pitching trilogy film na horror, bold at saka super drama.

“When we pitched it to a producer, binaril niya, kasi ang sabi niya, trilogy now is not doing well daw.

“Yung path namin is kung saan puwedeng pumasok ang talent ng mga bata. Kasi they’re all trained to be dancer, singer, and then actors and actresses.”

Nakakapagraket na sa iba’t ibang events at probinsya ang Gandaras, at parang semi-regular na sila noon sa Lunch Out Loud sa TV 5.

Promising din ang grupong Irizz na ang isang miyembro pa nila roon na si Aubrey ay anak pala ng isang miyembro ng dating sikat na Rockstar 2 na si Joseph Aldana. Pero pumanaw na ang kanyang ama na ang isa sa pinasikat na kanta ay Ika’y Mahal Pa Rin.

“Kasama ko po talaga mag-perform ang Papa ko po dati. Nasanay po ako mag-perform na kasama po ang Papa ko lagi. Pero nangyari lang po is nagpapahinga na po ang Papa ko.

“Buti lang po ngayon dumating po yung araw na nagkaroon po ng audition sa Dragons management, which is kay Ms. Bambbi po. Nag-audition po ako, buti na lang po nakapasok po ako sa standard nila. Kaya na-meet ko po yung mga ates ko and nagkaroon po ako ng confidence na mag-perform po sa stage na kasama ko po sila,” saad ni Aubrey.

Ilan sa achievements ng Dragon Babies nina Bambbi ay ang pagkapanalo bilang Best New Movie Actor na si Khai Flores at Best New Movie Actress na si Shira Tweg sa 39th Star Awards for Movies mula sa pelikula nilang Sugat sa Dugo.

“It’s not really a pressure. It’s more on motivation. Especially, tinatanggap mo lang yung ganung title, motivation yun para magpatuloy pa to become better each and every project that we do,” sabi ni Shira tungkol sa natanggap na award.

“Tama po si Shira na nakaka-motivate po lalo na po na passion ko po ito simula pa lang po bata ako, pangarap ko na po maging artista.

“Hindi po ako yung tipong napapagod…Pero yung pagod na gusto ko ‘yung ginagawa. Mas kailangan ko pa pong mag-workshop, mas kailangan ko pa pong mag-improve ‘yung sarili ko para ang title po na hawak namin yung dati po sina Joshua Garcia. Nakaka-pressure po pero sobrang saya,” sabi naman ni Khai Flores.

FILM

MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with