^

Pang Movies

Beaver, nagulat sa ginawa ni Mutya

Salve V. Asis - Pang-masa
Beaver, nagulat sa ginawa ni Mutya
Beaver

MANILA, Philippines — Ay malungkot pala ang naging ending ng ‘friendship’ ng Kapamilya stars na sina Mutya Orquia at Beaver Magtalas.

Samantalang nagtambal pa sila sa launching movie nilang When Magic Hurts.

Biglang-bigla pala ay hindi na sila nag-uusap at wala nang kumunikasyon.

Sa kasalukuyan daw (mga two weeks ago na interview namin ito) ay hindi na sila nag-uusap at para na silang hindi magkakilala o naging magkaibigan man lang, ayon kay Beaver.

Or baka kasi last Christmas o New Year ay nagkaayos sila?

But anyway, ayon kay Beaver, sa isang chance interview namin nang i-turn over ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)  ang kanilang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa probinsya ng Aurora kung saan nga nagmula ang kanilang pamilya : “We’re not in touch na po. Maraming relationships, friendships, na nagbago ngayon. Pero, wala na kaming contact.”

Ano toh, tapos na ang MU (mutual understanding)?

“Hindi naman po ako nanligaw sa kanya. Pero sinasabi ko naman sa mga interview ko noon na maybe in the future. But we never got into that stage.

“Hindi ko rin masagot kung ano ang nangyari. Siguro siya lang po ang makakasagot.

“But for me, I still treat her as my friend,” banggit pa ng actor na huling napanood sa Pamilya Sagrado.

Hindi diretsahang sinasabi ni Beaver pero na-hurt siya sa ginawa ng actress na walang sabi-sabi. “Ako rin kasi nagtataka, what happened? For me, it’s really uncertain… it’s pretty uncertain…for me, na what’s going on? But again, I still treat her as a friend. In any moment that she needs someone, as a friend, I’m still here,” pagdidiin pa ng young actor.

As in parang hindi silang friends ng kung ilang taon. “I’m not sure. But we saw each other po sa ‘Christmas Ball,’ nag-hi lang po kami sa isa’t isa. Hindi kami nagkausap. I said hi to her lang.”

Pero hindi raw talaga siya nagkulang, nag-effort siyang kausapin at tanungin sana kung ba’t biglang cold na parang walang pinagsamahan.

“Magpapakatotoo po ako. Yes, I did try. I did try na tinanong ko siya kung ano ang nangyari, nag-reach out ako sa kanya. But `yun nga po… Parang it was something na had to happen na lang, na for her to grow, and for me to grow as a person, as an actor, in general,” sabi na lang niya.

At mas nagulat si Beaver na kahit sa debut ni Mutya ay hindi na siya inimbitahan. “Siguro ‘yung bond na meron kami, it wasn’t so strong after all. Pero hindi naman po ako na-offend kung hindi niya ako naimbita. I understand naman po na kung para sa mga tao lang na pili niya ang gusto niyang makasama.

“But I don’t know kung bakit hindi ako naimbita. Medyo na-hurt ako, pero okey lang,” saad na lang ni Beaver.

Anyway, inisip na lang niya na lahat naman ng relationship / friendship ay may katapusan at may dahilan ang pag-iiba ng landas.

Sa kasalukuyan, busy si Beaver sa pagpo-promote ng music video nila ni Lizzie Aguinaldo.

Actually parang mas bagay sila ni Lizzie.

Hahahaha.

BEAVER MAGTALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with