^

Probinsiya

2 high school students dedo, 3 pa sugatan sa banggaan

Doris Franche-Borja, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
2 high school students dedo, 3 pa sugatan sa banggaan
Dead on arrival sa provincial hospital sina Hazam B. Bawalan at John Raye S. Vasquez, kapwa Grade 9, habang ginagamot naman sina  Sheldon Balucnit Grade 9; Francis Aballe Mag-aso at Joyce Achawon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang high school students ang patay habang tatlo pa ang sugatan sa nangyaring banggaan ng motorsiklo at tricycle nitong Lunes sa Tabuk City, Kalinga.

Dead on arrival sa provincial hospital sina Hazam B. Bawalan at John Raye S. Vasquez, kapwa Grade 9, habang ginagamot naman sina  Sheldon Balucnit Grade 9; Francis Aballe Mag-aso at Joyce Achawon.

Sina Bawalan, Vasquez at Balucnit ay pawang mga estudyante ng  Kalinga National High School sa  Tabuk City, habang si Magaso ang driver ng  tricycle cab o kilala sa tawag na  “ongbak” o “tuktuk” at guro naman si Achawon sa Baptist School sa Bulanao, Tabuk City.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng tanghali nitong Lunes. Sakay ng motorsiklo ang tatlong estudyante nang bumangga sa center island at  bumaligtad hanggang sa makabangga ang tricycle na “Tuktuk” o  “Ongbak” na sinasakyan nina Magaso at Achawon.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with