^

PSN Showbiz

Mahusay na aktor, pinagdadamutan ang mga katrabaho!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Magaling sa pag-arte ang isang aktor na kahit nawala dahil sa isang bisyo eh pinagkakatiwalaan pa rin sa TV at pelikula nang maalpasan ang problema.

Gusto man ng manonod ang husay ng aktor sa tuwing umaarte, hindi naman siya paborito ng mga staff na nakakatrabaho niya, huh!

Kasi naman daw, sa tuwing matatapos ang isang project na kasama ang aktor, ni ha, ni ho eh wala man lang pasalamat sa kanila.

Dagdag pa nito na dedma ang aktor sa staff dahil wala siyang pakimkim na regalo o datung na kaugalian na tuwing matatapos ang project, huh!

Siyempre, kumalat ang ugaling ito ng aktor kaya naman tuwing kasama ng production staff ito, wala na silang expectations dahil wala silang mahihita hindi gaya ng ibang artista na kasama nila!

Sindak, naka-5 na

Higit na mas nakakatakot ang ika-5 Yugto ng Sine Sindak na joint collaboration ng Viva Films at SM Cinemas na mapapanood exclusively sa SM Ci­nemas simula sa Oktubre 30 hangang Nobyembre 5.

Ilan sa horror movies na mapapanood mula sa Viva Films ay ang Pasahero na pinagbibidahan nina Bea Binene at Louise de los Reyes at ang Nanay Tatay na sina Jeffrey Hidalgo, Audrey Caraan, Andrea del Rosario, Xia Vigor at iba pa ang tampok sa movie.

Bukod sa dalawang local movies, mapapanood din ang foreign movies na Japanese film na House of Yuri, at ang Thorn, One Sacred Night.

Sa halagang P150 per screening ay tiyak na mapapasigaw na ang manonood sa pelikula sa Sine Sindak at sa halagang P300 ay magkakaroon na ng one day pass upang mapanood ang lahat ng entries.

Mahilig ang mga Pinoy sa horror films kaya siguradong swak na swak itong panoorin sa Halloween!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with