^

True Confessions

Hiyasmin (54)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“HUMIGOP ka pa nang maraming sabaw, Sir Dax para mabilis kang gumaling. Ang sabaw daw kasi ng manok ay may sangkap na nagpapaga­ling sa maysakit,’’ sabi ni Hiyasmin.

“Talaga?”

“Nabasa ko sa FB—sabi ng isang doktor. Na­limutan ko lang ang tawag sa sangkap.’’

“Baka nga totoo dahil gumagaling na ako.’’

“Kahihigop mo lang ng sabaw, Sir Dax, he-he-he!”

“Pinagpapawisan na ako e.’’

“Baka nga.’’

“Saan ka natutong mag­luto ng tinola?’’

“Kay Mama. Nano­nood ako. Pinaggagayat ako ng papaya, luya at pinaghihimay ng talbos ng sili o malunggay.’’

“A kaya pala sanay ka nang magluto.’’

Napatango si Hiyasmin.

“Kumain ka pa Sir Dax at mamaya paiinumin kita ng gamot.”

Nagpatuloy sa pagkain si Dax.

Humigop pa siya nang maraming sabaw.

Pagkatapos ay tumayo si Hiyasmin at ki­nuha sa salas ang gamot sa lagnat.

Nang magbalik ay ibi­nigay kay Dax.

“Inumin mo ito Sir Dax para gumaling ka na.’’

“Salamat.”

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with