^

PSN Showbiz

Sarah, umalma sa X!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sarah, umalma sa X!
Sarah Lahbati

Nagsalita ang ex-wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati tungkol sa diumano’y account niya sa X (dating Twitter).

Itinanggi ng aktres na wala siyang account sa X at nagbabala siya sa mga follower niya sa Facebook tungkol dito.

Sinabi niyang fake news ang account na gumagamit ng pangalan niya.

“Guys, I don’t have twitter. 
“Again, beware of FAKE news,” post niya.

Maaalalang ilang beses na nga kasing kumalat ang mga post niya na tila parinig sa dating mister at sa rumored girlfriend nitong si Barbie Imperial, at pati na rin sa dating byenan na si Annabelle Rama.

Mabuti na rin at nagbabala na ang nanay nina Zion at Kai tungkol dito dahil napagkakamalang sa kanya talaga galing ang mga post kaya pinagpipistahan din ito ng netizens.

Dapat na nga raw kasuhan na ang mga content creator na ito ayon sa netizen.

Maaalala ring na-hack na rin ang Instagram account niya noon.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang mga tagahanga niya at mukhang tumatatak nga ang karakter niya sa seryeng pinagbibidahan niya ngayon na Lumuhod Ka Sa Lupa. Bongga.

‘Moments of melancholia’

Ewan ko ba bakit lately parang laging sad ang feeling ko.

Talaga sigurong ganito nga ang tumatanda, may moments of melancholia na nadarama lagi. Mas lalo pa ako nakakaramdam ng pity me effect ‘pag nasa dialysis session ako. Para bang bakit ako may sakit, bakit nandito ako. Talagang parang api ako.

Kaya nga lately I try to recall happy days in my life. Kasi nga marami rin namang naging very happy ako. Lucky me na matanda na nagkasakit. At least mas dapat mas mature ang acceptance ko.

Bongga.

vuukle comment

ACTRESS

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with