^

PM Sports

Meralco itinabla ang serye sa 1-1

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalustay ng Meralco ang maagang bentahe nito sa halftime bago magpa­kawala ng panapos na boltahe upang kuryentehin ang Barangay Ginebra, 103-91, sa Game 2 ng kanilang best-of-seven semis series sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena.

Natunaw ang 13-point lead ng Bolts subalit bumalikwas sa dulo sakay ng pambihirang 30-17 ratsada sa fourth quarter upang makaganti sa Gin Kings matapos ang dikit na 92-88 kabiguan sa Game 1.

Tabla na ang magkari­bal sa 1-1 rekord papasok sa krusyal na Game 3 ng kanilang race-to-four Final Four duel sa Miyerkules sa Cavite.

Nag-akbay sina Allein Maliksi at Chris Newsome sa naitalang 25 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang 11 puntos at 8 rebounds si Chris Banchero.

Tumabo naman ng solidong double-double na 13 puntos at 10 rebounds si Cliff Hodge kasama na ang 6 na offensive boards lalo na sa huling mga minuto ng kanilang fourth-quarter breakaway.

Nag-ambag din ng 7 puntos si Raymond Almazan tampok ang limang sunod sa crunchtime upang tulungan ang Bolts na makakalas mula sa kati­ting na one-point lead.

Sumandal ang Gin Kings kay Christian Standhardinger sa 32-18 balikwas nila para maagaw ang unahan, 74-73, hanggang sa unti-unti itong mabawi ng Meralco.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with