^

Probinsiya

Babae binigti, isinilid sa ice box ng kapitbahay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Babae binigti, isinilid sa ice box ng kapitbahay
Nasa larawan ang babaeng biktima matapos madiskubre na nakasiksik sa loob ng isang ice box matapos na patayin sa bigti ng kapitbahay na siningil nito sa utang.
Cristina Timbang

Naningil ng pautang

MANILA, Philippines — Kamatayan ang na­ging kabayaran nang paniningil ng utang ng isang 26-anyos na babae sa kanyang kapitbahay nang bigtihin at ang bangkay ay isinilid sa ice box, naganap ka­makalawa sa Golden Horizon Villas Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City,Cavite.

Kinilala ang biktima na si Mari Joy Singa­yan,26, residente ng nasabing subdivision. Habang tumakas naman ang suspek na kinilala sa alyas na Wilson, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Ayon kay PLt Col Michael Batoctoy, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, alas-9:15 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakasiksik sa isang ice box  sa bahay ng suspek sa Blk. 105, Lot 20-22 ng nasabing subdivision.

Ayon sa pulisya, bago nangyari ang krimen ay nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang singilin umano ito ng utang na nagkakahalaga ng P50,000.

Subalit,wala pa umanong maibayad ang suspek na ikinagalit umano ng biktima hanggang nagkaroon ng palitan nang maaanghang na salita.

Napikon ang suspek kaya’t hinila nito papasok ng kanyang bahay ang biktima at sinakal hanggang kumuha ng lubid at bigtihin.

Nang mapatay nito ang biktima ay isiniksik ito sa kanilang ice cooler bago mabilis na tumakas.

Sa pahayag ng misis ng suspek, alas-4:45 ng hapon nang tumawag umano sa kanya ang kaniyang mister at ­inamin nito ang ginawang krimen at sinabi din nito kung saan niya inilagay ang bangkay.

Dito na nagreport sa kanilang barangay ang misis nito at itinawag sa pulisya at narekober nga sa loob ng cooler ang biktima.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up ang pulisya para sa ikadarakip ng suspek.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with