^

PM Sports

Rondina maglalaro sa AVC tourney

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapasiklab si PVL Best Outside Hitter awar­dee Sisi Rondina sa 2024 AVC Challenge Cup for Women na gaganapin sa Mayo 22 hanggang 29 sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Sariwa pa si Rondina sa silver-medal finish sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kasama ang Choco Mucho Flying Titans.

Isa sa makakasama ni Rondina sa AVC Challenge Cup si veteran playmaker Jia Morado na nag­laro naman para sa Denso sa Japan V.League.

Malaking karangalan para kay Rondina na ma­ging bahagi ng national team at isa ito sa kanyang pangarap na matutupad na.

Hindi naman na bago si Rondina na katawanin ang bansa sa international competitions dahil nakatanso na ito sa beach volleyball sa mga nakalipas na Southeast Asian Games.

Subalit iba ang indoor volleyball.

“Alam n’yo pangarap ko dati talaga – to play indoor sa bansa natin, kaso lang I stopped dreaming of it kasi sa mga commitments ko dati sa beach and sa ibang liga,” ani Rondina.

Kaya naman lubos ang kasiyahan nito nang mapasama ito sa national pool na sasabak sa AVC Challenge Cup.

“Pero ngayon unexpected na kasama pala ako. Grateful ako,” ani Rondina.

Hahataw ang Pinay squad sa Pool A kasama ang Chinese-Taipei, India, Iran at Australia.

Lalarga naman sa Pool B ang Vietnam, Indonesia, Kazakhstan, Singapore at Hong Kong.

Unang haharapin ng Pilipinas ang Iran sa Mayo 22 sa alas-6 ng gabi kasunod ang India sa Mayo 24 sa alas-6 ng gabi.

Sasagupain naman ng Pinay Spikers ang Australia sa Mayo 25 sa alas-6 ng gabi bago tipanin ang Chinese-Taipei sa Mayo 26 sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with