Presidential Communications Operations Office
Presidential News Desk
NATION ADDRESS OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE ON CORONAVIRUS DISEASE 2019 (COVID-19) PANDEMIC
Mga kababayan kong Pilipino, I am addressing you once again about the problem of COVID pandemic. It is getting worse.
So once again I'm telling you the seriousness of the problem and that you must listen.
We are awaiting for God's blessing na magkaroon tayo ng vaccine either from sino diyan na bright boy: China, Russia, America. I'm sure na kung meron na sila, they will share it with the rest of the world.In the meantime, habang naghihintay tayo, marami hong problema na pumuputok na.
Hirap na nga tayo, wala ng trabaho, walang negosyo, and there are people really — you know you… You try to mess up with ‘yung kakaunti nating…Ang ating suplay hanggang diyan lang ‘yan ‘yung inabot kasi hindi natin alam ganun kabilis. In two days' time, patay ka.
So we are trying to manage na lahat magkaroon equally. Equally is equally, pera pati pagkain. Ano ‘yung parte ko, parte mo ‘yan. Pero maghintay kayo. Huwag ninyong gamitin ang pwersa.
I am addressing the Left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga Left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation. Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.
Huwag ninyo… Huwag ninyong subukan ang Pilipino. Do not try to test it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you.
Ngayon, ‘pag kayo ang na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo. Kaysa ibigay ko doon sa mga loko-loko, kagaya ninyo panggulo, ibigay ko na lang ‘yon sa mga matino pati nangangailangan. Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain.
Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate. My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay.
Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil.
Ngayon, tinanggal ko sa politiko kasi maraming reklamo. Tinanggal ko sa politiko ‘yung distribution ng pera pati ang bigas na pagkain. Ibinigay ko kay Secretary Bautista lahat na ‘yan kasi itong DSWD may sariling distribution network na ‘yan, ‘yung Pantawid. So meron. Idagdag na lang nila doon sa matatanggap doon sa recipient ng Pantawid.
Idagdag mo na lang ang pera na ‘yan doon sa kanila kasi kanila ‘yan.Iyong pera na ‘yan, inyo ‘yan. Kaya lang hindi ko man maibibigay lahat unevenly kaya ako na ang — kami na sa gobyerno ang mag-ano mag dis — distribute pati to determine how much.
Huwag kayong — huwag kayong… Do not entertain doubts about dishonesty and corruption. Hindi panahon na ‘yan ngayon. Not this time. Ako mismo nagsasabi.
Kasi ‘yung iba nagdi-distribute kina-cutting. Instead of seven gawain ninyong five doon sa itaas sa repacking. Kaya ngayon DSWD na at ‘yung pera DSWD pati si Secretary Galvez.
Naintindihan ninyo ‘yan? Wala na kayong pakialam. Tinanggal ko na ang politiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga military ito pero retired. Civilian na ‘yan.
Iyong mga goods, bigas, kung ano pang iba ibigay ng gobyerno, bilisan ninyo at pagkain ‘yan. At meron tayo sabi ko, mayroon tayong ginawang mga hakbang na to sustain us but only if there is order in the society. Kasi ‘pag magulo, walang order, walang distribution na mangyari kasi inaagaw, ina-ambush.
Kaya mapipilitan ako na sabihin: Huwag na huwag ninyong gawin ‘yan kasi I will not hesitate to order to shoot you.‘Yun namang mga repacking, well anyway it's DSWD. But everybody else connected with the exercise of preparing the food and money, huwag ninyong kaltasan, huwag ninyong kunan.I will not — hindi ko kayo…
Huhulihin ko kayo and I will detain you. Makalabas lang kayo pagkatapos ng COVID kung dadating.Kung may — walang magdating na pang-kontra ng COVID, then hanggang matapos itong mundong ito diyan ka sa kulungan.
‘Yan ang gusto mo, nag-warning na ako gagawain mo pa rin. Eh ‘di gusto mo. Hiningi mo ‘yan eh. Hiningi mo ‘yan.Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo para smooth — sa Bisaya pa, hapsay. Ayaw og hadloka ang gobyerno. Do not intimidate government. Do not challenge government. Matatalo kayo, sigurado.
Magtiis na lang siguro kayo ng delayed delivery pero dadating ‘yan at hindi ka magugutom. Hindi ka mamamatay sa gutom.
Ito namang isa, itong mga trabahante, mga doktor, mga nurse, health workers, attendants and all, eh hindi makauwi ng bahay, tinatapunan ninyo ng kung ano-anong mga chemicals na nakakasira ng katawan. Mas una silang mamatay kay ‘yung sa pasyente doon sa COVID.
‘Yung mga tao na gumagawa ng ganun, I am ordering the police to go around. Huwag kayong mag-istambay diyan sa istasyon. Maglakad kayo, tandem, at maghanap kayo ng mga taong bastos.
At kung mahuli mo, kung ano ‘yung binubuhos niya doon sa health worker o sa doktor, ibuhos mo rin sa kanya para tabla. Eh bakit? Ikaw lang ba ang marunong? ‘Di tikman mo rin ‘yung ginagawa mo and see if it would make you happy.Ulitin ko: Do not.
‘Yung mga doktor, p***** i** pagpunta mo doon sa ospital, ‘yon ‘yung doctor na binuhusan mo, ‘yon ‘yung maggagamot sa iyo sa loob ng hospital.‘Yung mga frontliners, huwag kayong mag-alala. I will support and defend you.
Ulitin ko: Ngayon, DSWD na kasi sanay na sila sa distribution ng pera pati bigas. Secretary Galvez will help in the distribution of the money or he can handle the distribution of the money while leaving Secretary Bautista to attend to other matters.
‘Yan ang warning ko sa inyo ha. ‘Yung distribution, huwag ninyong i-delay. Huwag ninyong — sabi ko.Meron na akong ipinakulong kung makinig kayo sa radyo. At ‘yung sa TV, baka magkamali ako. Baka lang magkamali ako. This is the caveat: Baka magkamali ako. May nakita akong traffic enforcer na lumapit siya doon sa tricycle na puno ng goodies at pinilit niyang kinuha ‘yung isang balot at lumakad siya.
I don't know if it was a joke or if he really — it was really intended for him, inuna lang niya. Pero kung pinilit niyang kinuha ala nakaw. Nakita ko sa ABS-CBN and na-retrieve ko ‘yung — na-retrieve ko ‘yung footage, ipakulong ko siya.
Kasali rin siya doon sa ano.Kayong mga Kadamay, hindi — walang, wala nang awa-awa. Diyan na kayo. Ang nahuli, wala.I will not tolerate ‘yang sabihin mo na bitawan mga politiko, bitawan.
Do not play hero at this time because you would abet or is it that word — to encourage people to violate the law. Now is the time to set an example to everybody.
Hindi kasi ako sanay ng takut-takutin mo. Not me.So let this be a warning to all. Follow government at this time because it is really critical that we have order. And do not harm the health workers, the doctors, and everything because that is a serious crime.
At sabi ko sa pulis, siguro bawal man ‘yan pero ako na ang sasagot. Ibuhos mo uli doon sa nagbuhos sa mga doctor pati nurses. O kung kaya mo, ipainom mo lahat para matapos na ang problema natin.
Maraming salamat po.