James Cooper may libreng make-up seminar
MANILA, Philippines - Patuloy na tumutulong ang Hair Asia sa mga Filipino hairstylists and makeup artists para maipakita ang kanilang husay sa mundo. Sa Marso 9, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi, nakatakdang magpakitang gilas ang libu-libong hair and makeup artists sa Hair Asia’s 20th National Open Championship for Hairstyling and Makeup Competition sa World Trade Center, Roxas Blvd., Pasay City. Ang magiging grand champion ay mananalo ng isang all-expense paid trip to Paris, France upang dumalo sa prestihiyosong Hair Olympics sa Nobyembre.
Samantala, magkakaroon ng competitors’ briefing ngayong araw mula ika 2-4 ng hapon sa World Trade Center. Mayro’n ding free makeup seminar si James Cooper na maglulunsad ng bagong makeup line, ang Jazzy Collection.
Para sa iba pang information, pumasyal o tumawag sa Hair Asia Office: 35 Judge Jimenez St., Kamuning, Quezon City na may telepono bilang (02) 926-9480, 415-2742, at 0918-3727575, o mag-e-mail sa [email protected]
- Latest
- Trending