Menor de edad

Dear Dr. Love,

How are you Dr. Love? Sana’y nasa mabuti kang kala­gayan sa pagtanggap ng sulat na ito.

Tawagin mo na lang akong Ador, 33-anyos at wala pang asawa. Magmula nang pagtak­silan ako ng aking kasintahan noong 26-anyos pa ako, na­suklam na ako sa mga babae.

Ngayon ay naging mapaglaro ako sa pag-ibig. Nanliligaw ako pero matapos kong maangkin ang isang babae’y nilalayuan ko na.

Hanggang sa makilala ko si Lindsy. Batambata siya. Ang pakilala niya sa akin ay 19-anyos siya at naniwala ako dahil malaki ang bulas niya at mestisa. Yun pala ay 15-anyos lang siya at menor de edad.

Kahit may edad na ako ay ma-appeal pa rin ako sa mga babae. Kahit batambata ay nahuhumaling sa akin. May nangyari sa amin ni Lindsy at napatunayan kong isa siyang virgin.

Pero heto ang problema. Na­buntis siya at idinemanda ako ng statutory rape ng kanyang mga kaanak. Nasa prosecutor’s level pa lang ang kaso at nagdarasal ako na malusutan ko sana ito.

Nag-ooffer ako ng kasal pero tumatanggi sila. Ano ang maipa­payo mo sa akin, Dr. Love?

Ador

Dear Ador,

Eh di kumuha ka ng maga­ling na abogado. Legal case iyan kaya wala akong maipa­payo sa iyo kundi harapin nang buong tapang ang kaso.

Masyado kang nagpadala sa una mong kabiguan at ginagan­tihan mo ang bawat babaeng na­uugnay sa iyo. Mali.

Madalas may mga naga­gawa tayong mali. Kung mang­yari ang ganyan, harapin natin ang resulta ng ating kasalanan. Sana’y mag­sil­bing leksyon ito sa ibang mam­babasa.Huwag ipa­pa­taw sa iba ang paghihiganti sa kasala­nang hindi naman sila ang may gawa.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Wor­kers na may problema at nanga­ngailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week.This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

Show comments