Menor de edad
Dear Dr. Love,
How are you Dr. Love? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap ng sulat na ito.
Tawagin mo na lang akong Ador, 33-anyos at wala pang asawa. Magmula nang pagtaksilan ako ng aking kasintahan noong 26-anyos pa ako, nasuklam na ako sa mga babae.
Ngayon ay naging mapaglaro ako sa pag-ibig. Nanliligaw ako pero matapos kong maangkin ang isang babae’y nilalayuan ko na.
Hanggang sa makilala ko si Lindsy. Batambata siya. Ang pakilala niya sa akin ay 19-anyos siya at naniwala ako dahil malaki ang bulas niya at mestisa. Yun pala ay 15-anyos lang siya at menor de edad.
Kahit may edad na ako ay ma-appeal pa rin ako sa mga babae. Kahit batambata ay nahuhumaling sa akin. May nangyari sa amin ni Lindsy at napatunayan kong isa siyang virgin.
Pero heto ang problema. Nabuntis siya at idinemanda ako ng statutory rape ng kanyang mga kaanak. Nasa prosecutor’s level pa lang ang kaso at nagdarasal ako na malusutan ko sana ito.
Nag-ooffer ako ng kasal pero tumatanggi sila. Ano ang maipapayo mo sa akin, Dr. Love?
Ador
Dear Ador,
Eh di kumuha ka ng magaling na abogado. Legal case iyan kaya wala akong maipapayo sa iyo kundi harapin nang buong tapang ang kaso.
Masyado kang nagpadala sa una mong kabiguan at ginagantihan mo ang bawat babaeng nauugnay sa iyo. Mali.
Madalas may mga nagagawa tayong mali. Kung mangyari ang ganyan, harapin natin ang resulta ng ating kasalanan. Sana’y magsilbing leksyon ito sa ibang mambabasa.Huwag ipapataw sa iba ang paghihiganti sa kasalanang hindi naman sila ang may gawa.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week.This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)
- Latest
- Trending