^

Headlines

MYX magbibigay pugay kay President Cory Aquino

The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Bibigyang pugay ng MYX, ang nangungunang music channel sa Pilipinas, ang pinakaunang ba­baeng presidente ng bansa sa Pinoy Myx: Handog kay Pres. Cory ngayong August 5 (Wednesday) simula 7:30 a.m.

Ang Pinoy Myx: Handog kay Pres. Cory ay isang 30-minute special kung saan featured ang mga kantang naging soundtrack ng buhay at panahon ng late former President Corazon Aquino. Mapa­panood din dito ang mga dasal, mensahe at iba pang mga impormasyon na nakuha online. Kasama rin ang mga interview ng iba’t ibang celebrities at kilalang personalidad tungkol kay Cory Aquino.

Ipapalabas ang special ngayong Miyerkules simula 7:30 a.m, 1:30 p.m., 6:30 p.m. at 11:00 pm. Kasabay ng libing ng yumaong presidente.

Ika-11 na presidente ng bansa, pinaka-kilala si Cory Aquino bilang simbolo ng demokrasya na siyang nagbalik at nagbago sa Pilipinas matapos ang ilang taon sa ilalim ng diktador noong martial law era. Isa siyang advocate ng ka­paya­paan, women empowerment at religious piety. Siya rin ang pinakaunang babaeng presidente ng Pilipinas at sa Asya. Marami na siyang natanggap na mga awards at citations kasama na ang pagiging Woman of the Year ng Time magazine noong 1986. Sa kabila ng kanyang pagpanaw, siya pa rin ang tinuturing na ina ng bansa na mananatili sa puso ng mga Pilipino.

Makiisa sa buong bayan sa pagbibigay pugay ng MYX sa late former President Corazon Aquino sa Sky Cable Channel 23 na available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators nationwide. Mag-log on sa www.myxph.com <http://www.myxph.com/> para sa iba pang updates.      

vuukle comment

ANG PINOY MYX

CORAZON AQUINO

CORY AQUINO

HANDOG

PILIPINAS

PINOY MYX

PRESIDENT CORAZON AQUINO

SKY CABLE CHANNEL

WOMAN OF THE YEAR

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with