Testimonial dinner kay CPNP Director General Jess Verzosa!

NAKAKATUWA at napakasaya ng testimonial dinner na ibinigay ng Laon-Laan Lodge 185 para sa kanilang kapatid na si Jess Verzosa the other night.

Grabe ang madlang people na dumalo todits at hindi maubos ang pagkain plus the drinks on the side.

Natutuwa ang mga taga-Laon Laan Lodge dahil ang nahirang bilang Ama ng kapulisan ay si Jess na kanilang kasama sa loya.

Pinasasalamatan din ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga sumuporta sa Laon Laan na sina Jerry Yap, Bettinna Carlos, kolumnista ng PM ang utol na dyaryo ng PSN, mga artista at magagaling na manga­ngata echetera.

Kaya para sa iyo Jess, Mabuhay ka!

Salamat GMA at sinibak mo si Hefti

SANGDAMUKAL ang nagtatalunan na madlang people porke hindi na tinutulan ni Prez Gloria Macapagal Arroyo na mawala sa Bureau of Internal Revenue si Commissioner Lilian Hefti.

Sabi nga, bhe buti nga!

Wala na sigurong puede pang pumigil sa desisyon ni GMA na huwag sipain palabas ng BIR si Hefti dahil hanggang siya ang Commissioner ng bureau tiyak konsumisyon.

Bakit?

Grabe ang ibinagsak ng revenue collection nila at hindi ito biro.

Sabi nga, billion of pesos ang ibinaba ng koleksyon ngayon January up to August 2008 at ang pinakamasakit nito Kuya Gary P18 billion last August ang isinadsad.

Ika nga, lagapak as in palpak na lumalagapak!

Kaya naman nagpapalakpakan ang madlang people sa Philippines my Philippines sa decision making ni GMA sa pagsibak kay Hefti.

Sabi nga, goodbye, goodbye!

Ang umuugong at malakas ang tunog na papalit kay Hefti ay itong si dating deputy Commissioner ng BIR si Sixto Esquibias kung bakit up to now ay hindi pa siya nakakaupo sa iniwanan trono ni Hefti iyan sila-sila lamang sa malakanin este mali Malacañang pala ang nakakaalam.

Siguro dapat kalkalin ng Office of the Ombudsman kung bakit nagkaroon ng matinding shortfall ang BIR? Kung saan man dinala ang mga ibinayad ng taxpayer dapat busisiin ng graft court.

Abangan.

Impeachment complaint para lang sa mga bright?

PUSTAHAN hindi maantig si Prez GMA sa impeachment complaint na inihain yesterday ni Joey de Venecia et al sa Kamara.

Bakit?

Reply lamang daw ang reklamo.

Sabi nga, rewind. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, number game ang labanan sa Kongreso at kapag kulang sa number todits tiyak olat.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang impeachment complaint ay para lamang daw sa mga bobotak na senador this coming 2010 para pumustura at marinig ng madlang people ang kanilang mga patalsikan laway.

Sabi nga, kung sino ang magaling bumoka.

‘Sila ba ang panalo?’ tanong ng kuwagong listener.

‘Pagalingan ‘yan sa plenaryo.’

‘Paano kung walang numero?’

‘Kamote, ’di talo ka!’

Show comments