^

Headlines

Food tripping in celebrity homes

STARBYTES - Butch Francisco -

CAMP CRAME – Kasa­lukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang incumbent mayor na mayoralty bet at lima pang iba habang natodas naman ang isang escort ng una sa naganap na pamamaril ng dalawang di-kilalang lalaki sa bakuran ng city auditorium sa pagdiri­wang ng kapistahan sa San Carlos City, Pangasinan noong Sabado ng gabi.

Dalawang tama ng bala sa tiyan ang tinamo ng bikti­mang si San Carlos City Mayor Julian Resuello, 54, na tumatakbong vice mayoralty bet sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Demo­ctrats-Biskeg na Panga­sinan.

Si Mayor Resuello ay dinala sa Blessed Doctors Family Hospital (Bernal Hospital) sa Barangay Ilang bago inilipad sa Maynila dahil sa maselang kalagayang ti­namo.

Nakilala naman ang nasawing aide na si Eulogio Martirez, 41, na unang napu­ruhan ng ilang bala ng baril kung saan niyapus nito si Mayor Resuello kaya kapwa sila natumba.

Kabilang din sa mga sugatan ay sina SPO1 Jamie Almoite ng San Carlos PNP; Jonathan dela Cruz, 34; Alwin Fermin, 29; Paulo Bino, 14; Reyna Munoz, Do­mingo Mamaril, 52; at Antonio Soriano, 38.

Ayon kay P/Chief Supt. Leopoldo Bataoil, hepe ng Police Regional Office (PRO) ng Ilocos, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi sa open air auditorium kung saan ginanap ang  coronation ng Miss San Carlos City 2007 sa pagdi­riwang ng piyesta.

Nabatid na panauhing pandangal si Resuello sa na­sabing kasiyahan at napag-alamang habang nakiki­pagkamay si Mayor Resuello sa mga tao ay lu­mapit ang da­lawang ’di-kila­lang lalaki at nagsimulang mamaril kaya nagpulasan ang mga tao

Matapos ang kaguluhan ay nakabulagta ang mga biktimang sugatan kabilang si Resuello at kanyang mga aide kaya agad isinugod ang mga ito sa pagamutan su­balit nasawi din si Martinez.

Nabatid na si Mayor Resuello ay makakaharap sa vice mayoralty bet si Harry Cagampan habang ang kanyang anak na si Vice Mayor Julier Resuello na tatakbong mayoralty bet ay tatapatan si dating Mayor Douglas Soriano.

Kinondena ni Lakas-CMD president Jose de Ve­ne­cia Jr. at Biskeg na Pan­gasinan chairman president Antonio Villar Jr. ang insi­dente. (Edwin Balasa at Eva Visperas)

ALWIN FERMIN

ANTONIO SORIANO

ANTONIO VILLAR JR.

MAYOR

MAYOR RESUELLO

RESUELLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with