^

Headlines

May sikretong ibubunyag si Janna

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut - The Philippine Star

Isang naiibang Fanny Serrano ang naghihintay para sa fans ng nag-iisang number one primetime drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Magpapakababae ng lubos si Tita Fanny ngayong gabi sa Maalaala, dahil gagampanan niya ang role ni Vins Santiago, isang lalaking nagpa-opera para maging babae. Ang special na episode na ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian, ang ikalawang episode in a row ng batikang director pagkatapos ng matagumpay na top-rater episode tungkol sa buhay ni Jay Manalo ng nakaraang Huwebes.

Isang kaibigan sa totoong buhay ni Fanny si Vins at si Fanny mismo ang nagdala sa Maalaala Mo Kaya ng kwento ni Vins. Lumaking may pusong babae si Vins at nang nakaipon ito noong kalagitnaan ng dekada ’80 ay pumunta ito sa isang doctor upang magpa-sexual reassignment surgery, o ang pagpapaputol ng isang lalaki ng kanang ari at pagpapagawa ng ilan pang operasyon upang maging isang ganap siyang babae.

Pero solusyon ba ito sa mga problema ni Vins, o simula lamang ng panibagong pagbabalatkayo sa harap ng mga kapamilya niya at kalaguyo? At paano na lamang kung ang isa sa kanyang mga boyfriend ang mag-alok ng kasal sa kanya?

Pangalawang pagbabalik din ni Fanny ito sa pamilya ng Maalaala Mo Kaya para sa kasalukuyang TV season, pagkatapos ng top-rating episode na Paper Dolls noong Mayo. Ang hit na episode na ito, kung saan ay isasabuhay ni Dominic Ochoa ang kwento ni Fanny, ay nakakuha ng kamangha-manghang 31.6% rating at #1 position sa weekly AGB evening program ratings para sa linggong iyon.

Syempre, dahil perfectionist din si Tita Fanny, maraming preparasyon siyang pinagdaanan upang maisabuhay niya ng maayos ang buhay ni Vins. Nariyan na ang pagdi-dyeta nito upang magaya ang mala-modelong hitsura ng tunay na Vins. Nariyan din ang pag-suot ng mabigat na foam-rubber prosthetic para magkaroon siya ng malababaeng dibdib, na specially-made para sa kanya ng batikang special effects artist na si Benny Batoctoy. Pati wig at makeup ay binubusisi ni Fanny, at siya mismo ang nag-design sa karamihan ng kanyang costume na mapapanood sa buong episode.

Isang magaling na cast ang pumapaligid kay Fanny para sa episode na ito. Kasama na rito sina Robert Arevalo, Gina Pareño, Bing Davao, Toby Alejar at Polo Ravales bilang batang Vins. Ang teleplay para sa episode na ito ay mula sa panulat ni Maribel Ilag.

Isa na namang di-malilimutang kuwento ang mapapanood kasama ni Charo Santos-Concio at ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi pagkatapos ng Teleserye Primetime Bida sa ABS-CBN.

* * *

May malaking sorpresa si Jana Victoria sa kanyang nakakatakdang pagbabalik-showbiz. Although hindi naman masasabing totally nawala si Jana dahil napapanood pa rin siya sa iba’t ibang programa. Pero bago magtapos ang buwan ng Agosto ay may isi-share si Jana na sikreto na tiyak na pakikinabangan ng marami.

"It’s something na pinag-aralan ko ng ilang buwan. At the time na hindi ako active sa TV and movies, di ako naging busy. Gusto kong i-share sa tao ang isang malaking sikreto na tiyak na magbibigay ng malaking pagbabago sa kanila," sabi ni Jana.

Magaganap ang malaking event na ito sa buhay ni Jana ay kanyang ia-announce sa August 28. Dadaluhan ito ng mga taong malapit na kaibigan ni Jana, pamilya at mga katrabaho. She is also sharing the same secret sa mga kaibigan sa press.

Kung anuman itong sikretong ia-announce ni Jana, una ring ibabalita sa kolum na ito.

* * *

For your comments and reactions, you can email me at [email protected]

vuukle comment

EPISODE

FANNY

ISANG

JANA

MAALAALA MO KAYA

PARA

TITA FANNY

VINS

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with