Tiyak na maraming mga fans ni Aaron Carter ang labis na nalungkot nang ang kanyang earlier scheduled live concert was moved to a later date. Dapat sana sa isang buwan na ang show sa isang major venue ng Prince of Pop, pero ang sabi ay baka sa November na ito matuloy.
Marami pa namang tagahanga sa ating bansa ang umasa na mapapanood na nila ng live ang teen idol, pero nagkaroon ng problema sa iba pa niyang mga engagements all over the globe.
Kaya naman ang Asian circuit tour niya ay medyo nabalam. May isang consolation naman ang mga Aaron Carter fans. Sa Agosto ay lalabas na ang isang brand new album ng binatilyo, "Earthquake", mula sa Jive Records.
Pawang mga bagong kanta ni Aaron Carter ang kasama rito. Malakas pa ang benta ng kanyang recent "Oh Aaron" album, lalo’t naglabas pa ng repackaged version, pero eto na naman siya at may kakaibang handog sa kanyang mga tagasubaybay.
Kapag natuloy pa ang kanyang live concert na ang sabi ay sa darating na November, kumpleto na ang kasiyahan ng kanyang mga fans sa ating bansa.
|
Si Jennifer Paige ang siguradong darating na sa Hulyo 26. Plantsado na ang Metro Manila promo tour ni Jennifer upang i-promote ang kanyang bagong "Positively Somewhere" album. Kasama sa kanyang new release ang kanyang latest hits na "Stranded", "These Days", at "Here With Me".
Mula sa Atlanta, Georgia, unang nakilala si Jennifer sa kanyang worldwide hit na "Rush".
Sa pagbalik niya sa global pop scene, higit na maiibigan ng mga mahilig sa pop music ang bagong album na "Positively Somewhere". Mga kantang tunay na personal ang tema tulad ng kanyang mga karanasan sa buhay at siyempre sa pag-ibig, ang laman nito. ‘Songs closest to her heart,’ ika nga.
Pero tiyak naman na lahat tayo ay makaka-relate rito dahil bawat kanta ay universal ang appeal at ang mga tema nito ay siya rin nating mga sariling karanasan.
Mapapanuod sa mga libreng showcase si Jennifer Paige sa SM North sa July 27 at sa SM Southmall sa July 28 (Sunday) at 4 p.m. Magiging guest din siya sa mga piling TV shows at meron din siyang mga live radio interviews.
|
Pati ang kapatid ni Aaron na si Nick Carter ng Backstreet Boys ay may lalabas na palang solo album na ang tentative title ay "Now Or Never". Maaaring bago matapos ang 2002 ay release na ‘to, kaya’t abangan ninyo.
Ang paglabas ng solo album ni Nick ay hindi nangangahulugan na aalis na siya sa Backstreet Boys. Tuloy pa rin ang pagiging miyembro ni Nick ng pinakasikat na boy band sa buong mundo, kahit may mga solo engagements na siya.