^

Headlines

Di kaya huli na para mag-bold si Onemig?

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Nagulat ako na malaman na pumayag na pa lang magpa-sexy ni Onemig Bondoc.

Nainip na siguro dahilan sa nauna siyang mag-artista sa mas maraming baguhan ngayon pero, mas marami silang proyekto at mas mabilis umasenso dahilan lamang sa pumapayag silang lumabas sa mga roles na dati ay ayaw niyang gawin.

Sana pinangatawanan na lamang niya yung nauna niyang desisyon. Lalo pa’t kinuha na siyang role model ng ating gobyerno. Dapat wholesome siya.

Pero, syempre siya yun, desisyon niya yun.

* * *

Lumalaban na ng sabayan ang GMA sa mga kalabang istasyon ngayon. Ang dami nitong bagong palabas na inilunsad sa isang magarbong launching sa Westin Phiilippine Plaza kamakailan lamang. Marami ring mga bagong mukha ang makikilala ng mga manonood. Sana suportahan natin dahil, katulad ng That’s..nun na hanggang ngayon ay namamayani pa rin ang mga kabataan na sa programa na-discover, malaking tulong din sa industriya kung makakakita ng mga bagong mukha na pakikinabangan ng matagal na panahon.

Yung mga bagong mukha na mapapanood sa Click, ay hindi na maituturing na bagito sapagkat anak sila ng mga artista rin. Gaya nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, Gina Alajar at Michael de Mesa, etc.

Bentahe ang mga anak ng artista dahil, hindi na mahiyain, may talino na namana sa mga magulang at madali nang ibenta sa mga manonood dahil may mga pangalan na.

* * *

Nakabalik na pala ang grupong Hunks mula sa kanilang concert sa US. Pero, hindi nila nakasama si Vina Morales. Nagpaiwan ito dun dahil marami pang mga gagawing palabas. Sasamantalahin ni Vina habang wala siyang offer dito para naman kumita dun.

* * *

Dinalaw na naman ang showbiz ng kalungkutan, hindi lamang sa pagpanaw ni Rico Yan kundi maging ng movie writer na si Tony Mortel, ng mga musikero at National Artist ng bansa na sina Levi Celerio at Lucio Sn Pedro at ng radio commentator na si Al Mendez.

Nakikiramay ako sa mga naulila nila.

Nanghihinayang ako sa maagang pagyao ni Rico na marami pang pangarap sa buhay. Nalulungkot ako na si Claudine Barretto na lamang ang magdadala ng bigat ng kanyang kamatayan. Anumang paliwanag ang gawin niya, wala nang Rico na magpapatotoo nito. Mahihirapan na siyang magsalita sapagkat baka in the process ay makasugat pa siya ng damdamin at pangalan ng namayapa at maging ng kanyang mga naiwan. Sana lamang ay magkaroon ng solusyon ang problema at pamimighati ni Claudine. At sana huwag natin siyang husgahan. Sila lamang dalawa ni Rico ang nakakabatid ng katotohanan.

vuukle comment

AL MENDEZ

ANNABELLE RAMA

CLAUDINE BARRETTO

EDDIE GUTIERREZ

GINA ALAJAR

LAMANG

RICO

SANA

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with