Babaeng online seller binaril sa ulo, utas

MANILA, Philippines — Isang tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng isang 38-anyos na online seller makaraang barilin ng armadong lalaki sa Brgy. Pasil, Cebu City, ayon sa ulat kahapon.
Sa report ng Cebu City Police, kinilala ang biktima sa alyas na “Eve”, may asawa at residente sa nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa tahanan ng biktima sa Brgy. Pasil ng lungsod habang nagpapahina sa may sala alas-3 ng hapon noong Linggo.
Bigla na lamang dumating ang suspect na si alyas “Jun”, 34, at tuluy-tuloy na pumasok sa tahanan ng biktima. Armado ng hindi natukoy na kalibre ng armas ay binaril nito ang biktima na nakahiga sa sofa na nasapol ng bala sa ulo.
Agad na nagtatakbo patakas ang suspect pero hinabol ng mga residente saka kinuyog bago pa man dumating ang mga pulis kaya naaresto.
Sa tala ng pulisya, ang suspect ay may rekord na dahil sa mga naging kaso sa illegal na droga at umano’y dahil sa pagiging hired killer o hitman.
- Latest
















