Walang taas pasahe sa PUVs - LTFRB
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang magaganap na pagtaas sa singil sa pasahe nationwide laluna sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagpapatupad sa Public Utility Vehicles (PUV) modernization program.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na walang basehan para maitaas ang pasahe sa mga pampasaherong sasakyan lalupat wala namang nagsasampa ng fare hike petition para aksyunan ng LTFRB board.
Anya, idinaraan din sa masusing pag-aaral at konsultasyon sa publiko ang anumang petisyon sa taas pasahe upang maging katanggap-tanggap sa panig ng mga PUV operators at commuters.
Ang pahayag ay ginawa ng LTFRB sa agam-agam ng mga commuters na tataas ang pasahe sa mga pampasaherong sasakyan dahil sa modernisasyon ng mga PUVs, pagtaas ng inflation at produktong petrolyo.
Binigyang diin ni Guadiz na oras na may magsampa ng fare hike petition ay agad nila itong pag-aaralang mabuti para sa kapakanan ng mamamayan.
- Latest