^

PSN Showbiz

‘Kung gusto ‘mo’ nang kunin, okay lang’ – Richard

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
‘Kung gusto ‘mo’ nang kunin, okay lang’ – Richard
Richard Reynoso

Isa si Richard Reynoso sa mga pinakasikat na singer sa kanyang henerasyon. Nakilalang Prince of Ballad noong dekada ‘90s dahil sa napasikat niyang mga kanta katulad ng Paminsan-Minsan at Hindi Ko Kaya.

Para kay Richard ay sobrang espesyal sa kanya ang mga awitin. “Kasi it brought a lot of money, ha-ha-ha! Malaking bagay dahil it defines you as a singer. May ibang sobrang galing, we could say na mas magaling pa siguro sa amin pero hindi sila blessed with a hit song,” makahulugang pahayag sa amin ni Richard sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nagkaroon ng thyroid cancer noong 2019 ang singer. Ayon kay Richard ay ito na marahil ang pinakamabigat na pagsubok na kanyang nalampasan. “May nakapa ako dito (sa leeg) na parang bukol. So feeling ko, ‘ah, siguro ugat lang ‘yan.’ Nakikita ko parang ‘sing laki ng butil ng bigas. Tapos gumagalaw kapag lumulunok ako.

“Tapos pumunta ako sa doktor. Sabi ko, ‘Dok, meron akong nararamdaman dito. Ano ‘to, ugat?’ ‘Hindi, ‘yan ‘yon, ipa-biopsy na natin.’ Kasi nagkaroon din pala siya. ‘Malamang siguro benign?’ ‘Ay! Hindi, malignant ‘yan.’ ‘Dok, bakit ka naman nakakasiguro, para namang tinataningan mo ako?’ ‘Hindi, kasi sa babae, normal ‘yan na magkaro’n. Pero sa lalaki bihira pero most of the time or always, malignant siya.’ So upon hearing that, nagpa-check ako. Totoo nga, sa loob pala niya, meron pang limang bukol. Meron lang isang nagsumbong kumbaga, nagparamdam. It was an early detection on my part,” nakangiting kwento ng singer.

Ang kalagayan ng pamilya ang unang sumagi sa isip ni ­Richard nang makumpirmang may cancer noon. “Siyempre ang una kong iisipin, I had to think about my family. I had to think about ‘yung kita (income), siyempre realistic tayo. Tinanong ko ‘yung asawa ko. ‘Honey, kung hindi ba ako makakanta, mabubuhay naman tayo, ‘di ba? May ipon naman tayo, ‘di ba? Okay naman tayo.’

“In-assure naman ako ng asawa ko, ‘Oo, okay tayo. Wala tayong problema. Kailangan lang gumaling ka, pagaling ka.’ So (nakumbinsi) niya akong magpaopera, thyroidectomy. So ready naman ako, plus ‘yung doktor ko nagkaro’n din no’n. In-assure din niya ako, ‘Matuwa ka na kung magkaka-cancer ka dahil napakabait niyang cancer na ‘yan eh.’ ‘Yan ang pinakamura lang ang maintenance niyan. Matuwa ka, blessing pa rin ‘yan,’” pagdedetalye niya.

Natanggap na rin umano ng singer na posible siyang mawalan ng boses pagkatapos ng kanyang operasyon. Matatandaang nakapag-Facebook live pa si Richard noong gabi bago maoperahan. “I was brought to that point na relax-relax na ako. Up until the night na pumunta ako sa operating room. The night before hindi na ako mapakali. Alam ko lalabas ‘tong cancer na ‘to. Sabi ko, kung meron mang kailangang malaman ang mga tao sa akin, sa akin na manggaling. I locked the door, nag-Facebook live ako, tapos do’n ko binuhos lahat sa mga tao. Kung mawawala man ang boses ko, kung tatanggalin man siya, ang akin ‘Lord napakinabangan ko naman eh. Ang laking blessing ‘yung binigay mo sa akin. Pero kung gusto mo nang tanggalin, gusto Mo nang kunin, okay lang. Ibibigay ko sa Iyo nang buung-buo.’ Walang problema. And on top of that, if ever na kakanta ako ng last song ko, I want it to be documented. I want it to be there. And it’s not Paminsan-Minsan, Hindi Ko Kaya, or any other song na kinanta ko. It was a gospel song because I want to say thank you, Lord. Binigyan Mo ako ng talent, and kung iiwan Mo pa rin sa akin ito, maraming, maraming, maraming salamat.’ Then I sang live the song that I composed with Arnel De Pano and Soc Villanueva, ‘yung You Never Left Me. Nando’n na ako sa point na kung kailangan na akong kunin, or time ko na, okay na. I’m sure my family is in good hands. They’re okay, ang nagbago lang marahil is I treat every day as a blessing,” pagbabahagi ng singer. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with