^

PSN Palaro

Fighting Maroons, Blue Eagles iisa pakay

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iisa ang pakay ng last year’s runner up na University of the Philippines at A­teneo de Manila University--ito’y ang manatiling malinis ang karta sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament

Subalit isa lang sa kanila ang uuwing tagumpay dahil nakatakda silang magsalpukan ngayong araw sa Araneta Coliseum.

Magsisimula ang bakbakan ng Ateneo at UP sa alas-5:30 ng hapon pagkatapos ng labanan sa pagitan ng National University at University of the East sa alas-3 ng hapon.

Galing sa impresibong panalo ang Ateneo, tinambakan nila ng 27 points ang UE, 101-74 habang napalaban ang UP kontra UST, 92-85 noong Set­yembre 13.

Tangan ang tig 1-0 karta, asahang magiging mainit ang labanan ng Blue Eagles at Fighting Maroons.

Muling ipaparada ng Ate­neo si rookie Kiefer Alas na siyang pasimuno sa opensa ng talunin nila ang UE.

May pinaghuhugutan ng lakas ang Blue Eagles kaya ganado silang maglaro, ina­alay nila ang kampanya ng koponan ngayong season sa dalawang teammates na sina Divine Adili at Rene Baterbonia na nalunod sa dagat sa ginawang team-building noong Hunyo 8 sa Dipaculao, Aurora.

Tiyak na huhugot din ng puwersa ang Ateneo sa bago nilang team captain na sina Jared Bahay at Grayson Rogers na kumana ng tig-17 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod nang kalusin nila ang Recto-based squad.

Para sa UP, kakapitan nila sa opensa si Nigerian center Francis Nnoruka na tumikada ng 18 points at 12 rebounds nang katayin nila ang UST.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with