^

PM Sports

Centeno, Amit abante sa quarterfinals

Elech Dawa - Pang-masa
Centeno, Amit abante sa quarterfinals
Cheska Centeno and Rubilen Amit
STAR / File

MANILA, Philippines — Martsa sa quarterfinals ang Filipino duo nina Chezka Centeno at Rubilen “Bingkay” Amit matapos nilang magtala ng dalawang sunod na panalo sa Pro Billiards Series: 2026 Fujifilm Women’s Doubles Masters 10-Ball Showdown na nilaro sa Roma Cavalieri, Italy kahapon.

Ganadong tumumbok ang dalawang pambatong world champions ng Pilipinas na sina 27-year-old Centeno at Amit, 41 dahil nagtala agad ito ng magkasunod na panalo sa event na nakalaan ang $75,000 prize fund.

Pinagpag nina Centeno at Amit sina Japanesse bets Yuki Hiraguchi at Chihiro Kawahara, 2-0 sa round 1 at saka isinunod ang tambalang Silviana Lu ng Indonesia at Sakura Muramatsu na isang Haponesa, 2-0 sa winners qualification.

Mga three-time world champions sina Centeno at Amit kaya naman sanay na sanay na sila sa mga dikdikang labanan.

Kasalukuyang naghihintay ng makakalaban sina Centeno at Amit sa quarterfinals sa event na ibubulsa ng magkakampeon ang tumataginting na $20,000 premyo.

Kinoronahan ng dalawang beses ang dating manlalaro sa Batang Pinoy na si Centeno sa World 10-Ball Championship noong 2023 at 2025.

Nakaraan lamang ay nagreyna si Centeno sa 2026 WPA Women’s World 8-Ball Championship.

Nagkampeon din sa World 10-Ball Championship si Amit noong 2009 at 2013, nakuha naman nito ang titulo sa World 9-Ball noong 2024.

Umusad din sa quarters ang magkakamping Shasha Liu at Han Yu ng China, Pia Filler ng Germany at Jasmin Ouschan ng Austria at Seo Seoa ng Korea at Savannah Easton ng USA.

Nabigo na sa hangad na titulo ang tandem nina Wei Tzu Chien (Taiwan) - Kelly Fisher (Great Britain) sa double elimination format.

CHEZKA CENTENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with