^

PSN Palaro

Fighting Maroons diniskaril ng Bulldogs

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Fighting Maroons diniskaril ng Bulldogs
Tangan ng NU ang 3-8 karta, kasalo nila sa No. 7 sa team standings ang Ateneo kung saan ay may natitira pa silang tatlong laro, kailangan nilang maipanalo lahat ng laban para manatili ang kanilang tsansa sa magic four.
UAAP

MANILA, Philippines —  Nakapagtala ng upset win ang National University matapos lapain ang University of the Philippines, 64-47 kahapon sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa UST Quadricentennial Pavilion.

Dahil sa panalo, nakalsuhan ng Bulldogs ang three-game skid at nabuhay pa ang asam nilang makapasok sa Final Four pagkatapos ng 14-game.

Tangan ng NU ang 3-8 karta, kasalo nila sa No. 7 sa team standings ang Ateneo kung saan ay may natitira pa silang tatlong laro, kailangan nilang maipanalo lahat ng laban para manatili ang kanilang tsansa sa magic four.

Dalawang laro naman ang hinahabol ng Bulldogs sa fourth-place na University of Santo Tomas na may hawak na 5-6 card.

Naudlot ang nais ng Fighting Maroons na ma­kakuha ng twice-to-beat advantage sa semifinals, may karta silang 9-2.

“Finally nakuha namin yung panalo namin sa second round. Finally, at least sa araw ng patay, nabuhay lahat ng mga player ko kahit papaano. They delivered kung ano yung kailangan naming gawin, then they really enjoyed kung ano yung ginagawa namin talaga,” ani Bulldogs head coach Jeff Napa.

Maagang ipinaramdam ng NU ang kanilang bangis sa first quarter ng hawakan nila ang 16-point lead, 24-8, ito’y dahil sa tikas nina Lenard Santiago at Patrick Yu.

Sa unang laro, na­ka­­­bangon agad ang Far Eastern University mula sa pagkakadapa matapos kalusin ang University of  the East, 59-51.

Nilista ng FEU ang 4-7 record kasalo ang Adamson sa fifth place kaya naman malaki rin ang tsansa nilang sumampa sa Final Four.

vuukle comment

NATIONAL UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with