^

Police Metro

248 colorum sasakyan nahuli ng LTO noong Abril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 248 colorum na sasakyan ang nahuli sa pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) noong Abril.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na batay sa pinagsama-samang datos mula sa lahat ng rehiyon, 84 na van ang nahuli, karamihan sa mga anti-colorum operations kung saan ginagamit ang mga van bilang public transportation vehicle ng walang permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

May kabuuang 20 truck, 12 pampasaherong jeep at 10 bus din ang nahuli. Umaabot naman sa 93 motorsiklo ang nahuli dahil sa iba’t ibang paglabag.

Sinabi ni Mendoza na nagresulta ang isang buwang operasyon noong Abril sa 57 mga sasak­yang de-motor na na-impound para sa mabibigat na pagkakasala, kabilang ang paggamit ng mga motor vehicle para sa pampublikong sasakyan nang walang kinakailangang permit.

Batay sa datos ng LTO, 101 na colorum na sasakyan ang nahuli sa Region 4-A sa ilalim ni Regional Director Elmer Decena.

Hinimok ni Mendoza ang publiko na iulat ang operasyon ng mga colorum na sasakyan sa LTO, gayundin ang iba pang regulasyon sa trapiko para maipatupad ang disip­lina at kagandahang-loob sa mga kalsada.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with