^

Pang Movies

Nepo babies, dumarami sa PBB!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nag-trending ang hashtag na #NepoBabiesInPBB na ang tinukoy ay ang housemates sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 na may political connections.

Binanggit ang house guest na si Robbie Jaworski, Mikee Quintos, Victoria Vargas at ang bagong pasok na si Race Matias.

Sa isang thread, inisa-isa ang political connections ng mga nabanggit. Si Robbie ay anak ng Pasig Vice Mayor Dodot Jaworski. Ang ama ni Mikee na si Wardee Quintos ay Manila City administrator. Si Victoria Vargas ay niece ni Quezon City Councilor Alfred Vargas. Si Race Matias ay anak ni former Quezon City mayor Herbert Bautista.

Si Mikee ang sinabing dahilan kung bakit natigil ang livestream ng PBB at lalong naniwala ang bashers niya na ang pamilya nga ni Mikee ang nasa likod sa pagkatigil ng livestream dahil sa post sa X ng sister nito na “Thank you Kuya for listening.”

Ngayon, si Race naman ang puntirya ng bashers at kasama na siya sa ipinapanawagan na kailangan siyang ma-evict agad at hindi hahayaang manalo. Ang ama lang daw ang rason kung bakit nasa showbiz siya.

Mas may nakakatuwa pang paniwala ang iba, kaya lang daw ipinasok ang nepo babies sa PBB para i-divert ang isyu sa flood control at impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sharon, ipinagmamalaki ang pagpapakain ni KC

Proud mom si Sharon Cuneta sa kanyang post sa Instagram patungkol kay KC Concepcion.

Pinost nito ang photo ng kanyang panganay at may caption na “My baby number 1, making Mama proud again! I love you, Toot! Good job, baby! So proud of you!”

Ni-repost din ni Sharon ang post ni KC na tungkol sa kanyang advocacy para makatulong sa school children, lalo na ‘yung kulang ang kakayahan na pumasok na makakain muna ng breakfast.

“School meals are about so much more than food. They give children a reason to come to school, an opportunity to learn, and a chance to go further in life. Honored to host the 2nd Southeast Asia Regional Meals Coalition Summit as @worldfoodprogramme Goodwill Ambassador, alongside leaders, advocates and changemakers who share a vision for a better future for our children.”

Sa isa pang post ni KC, makikita siyang nagsasalita sa ginanap na 2nd Southeast Asia Regional School Meals Coalition Summit.

Gabay guro, puno ng mga sikat

Magde-deliver ng inspirational messages sina Department of Education Secretary Sen. Sonny Angara at Manny Pangilinan, chairman & CEO of PLDT, MPIC at Maynilad sa 19th anniversary ng Gabay Guro. Bukas, Linggo, Nov. 29, 2026, gaganapin ang selebrasyon para sa mga guro sa Meralco Theater, Pasig City.

“Guro at Kabataan: Liwanag ng Kinabukasan” ang tema ngayong taon na kikilalanin ang mga gurong nagiging ilaw sa mga kabataang Filipino na may mataas na pangarap para magkaroon ng maayos na kinabukasan.

Muli, star-studded ang 19th anniversary ng Gabay Guro sa rami ng volunteer performers sa pangunguna nina Regine Velaquez, Ogie Alcasid at Martin Nievera. Kasama rin sina Jamie Rivera, Jona, Jed Madela, Poppert Bernadas, Aicelle Santos, Mark Bautista, Christian Bautista, Ella Nympha at Sofronio Vasquez.

Join din si Rodjun Cruz at dance groups na UPeepz, UST Prime, G-Force, TML Crew, Unyca of Star Worx at Vibe Jocks. Hosting the event are Markki Stroem, Nicole Cordoves, DJ Chacha at Dylan Menor. Sina MJ Marfori at Ambet Nabus ang livestream pre-show hosts.

Big prizes din ang ipamimigay kina Ma’am at Sir, cash and raffle prizes at ang grand prize ay isang brand-new car.

 

PINOY BIG BROTHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with