Heaven at Marco, may ‘balikan’

Ni-launch nung nakaraang Lunes, Nov. 23, 2026, ang bagong streaming service ng Viva, ng Viva One: The New TV.
Hindi talaga inaasahan na ang traditional television viewing ng mga programa ay unti-unting maaapektuhan sa paglabas ng iba’t ibang streaming platform na siya ngayong tinatangkilik ng mga manonood hindi bilang alternatibo kundi ito na talaga ang direksyon sa kasalukuyan.
Kung ang mga programa on traditional free TV ay may mga fixed programming time, ang Viva One New TV ay mapapanood na rin nang libre (tulad ng free TV) with ads support habang ang premium subscription ay mapapanood na walang ads o commercial interruption anytime, anywhere.
Lahat ng mga exclusive content ng Viva mula sa pelikula, TV series, documentary, live concerts at iba pang content ay mapapanood dito nang walang pinipiling oras at lokasyon.
With over 5-million subscribers on Viva One, inaasahan ang lalong pagtaas ng subscription sa mga susunod na araw dahil sa napakaraming content na mapapanood nang libre o sa pamamagitan ng subscription.
Palabas nung nakaraang Nov. 20, 2026 ng Fight for My Way, ang unang Viva One series ng Kapuso actor na si David Licauco kasama sina Ashtine Olviga, McCoy de Leon at Aubrey Caraan. Nariyan din ang Montello High School Gangsters, isang hit Wattpad novel with 88M reads tampok sina KD Estrada at Ethan David.
Sigurado na rin ang pagbabalik ng part 2 ng My Husband is a Mafia Boss na muling pagbibidahan nina Rhen Escaño at Joseph Marco. Muli ring magbabalik ang tambalan nina Lance Carr at Aubrey Caraan sa seryeng Carry On. Nariyan din ang Dream High, an adaptation ng Korean drama kung saan tampok sina Xia Vigor, Althea Ablan, Noel Comia, Jr., Gab Evangelista, Ali Suzuki at iba pa.
May bago ring aabangan ang supporters ng RabGel nina Rabin Angeles at Angela Muji, ang kanilang balik-tambalan sa Boyfriend Corp. Mukha ring may balikan blues sa pagitan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo sa seryeng I Watched Him Fall for Someone Else kung saan din tampok si Diego Loyzaga.
Mapapanood din si Carlo Aquino sa sarili niyang serye, ang Trentahin of Manila with a surprise leading-lady.
Ayon sa pangulo ng Viva Communications na si Valerie del Rosario, “Streaming is already the new TV.”
Ang maganda sa bagong move na ito ng Viva, mas maraming talents and production people ang mabibigyan ng trabaho bukod sa ito’y mapapanood to a wider audience in 80 countries and territories.
Pops concert, kumpirmado na ang repeat!
Dahil sold-out ang Pops concert ni Pops Fernandez ngayong Huwebes, Nov. 26, 2026, at 8 p.m. na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater in Newport World Resorts, magkakaroon ito ng repeat on Jan. 29, 2027 on the same venue and time.
Ang Pops concert ay jointly produced ng Echo Jham Entertainment Productions and DSL Productions. Special guest performers sina Regine Velasquez, Martin Nievera, Vina Morales, Erik Santos, Jay Durias at Helen Gamboa-Sotto at pamamahalaan ni Calvin Neria with Homer Flores as musical director.
- Latest



















