Manny at Jinkee, baliw sa kanilang apo

Napaka-precious sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang unang grandchild sa panganay nilang anak na si Jimuel Pacquiao, Jr. at misis na nito ngayon, ang Mexican-American na si Carolina Pimentel-Pacquiao na si Clara Pimentel Pacquiao who just turned one year-old nung nakaraang November 20, 2026.
?Present sina Manny at Jinkee nang isilang ang kanilang unang apo sa Los Angeles, California, USA kung saan naka-base ang mag-asawang Jimuel at Carolina. Nandun din sila sa kasal nila nung nakaraang June 14, 2026 sa isang intimate wedding ceremony na ginanap sa Pechanga Resort Casino in Temecula, California, USA . Ang first Filipino and first Asian male talent to win The Voice – USA 2024 na si Sofronio Vasquez ang sole performer sa nasabing wedding na dinaluhan din ng mga nakababatang kapatid ni Jimuel (except Michael) na sina Princess, Queenie at Israel, ang kanilang lola na si Aling Dionisia at iba pang mga kaanak at malalapit na kaibigan ni Manny sa boxing world maging sa Christian ministry.
?Lumipad din patungong L.A. sina Manny at Jinkee para dumalo sa intimate first birthday celebration ng kanilang unang apo na si Clara na lumalakad na.
?Magmula nang pasukin ni Jimuel ang kanyang boxing career ay sa L.A. na ito nag-base at dito niya nakilala ang kanyang wife ngayon.
?Sumubok noong 2021 na showbiz si Jimuel sa bakuran ng Star Magic ng ABS-CBN, pero panandalian lang ito dahil mas pinaboran niya ang pagbu-boxing tulad ng kanyang legendary father, ang People’s Champ.
?Bago nag-relocate sa Los Angeles, California, USA si Jimuel ay nagkaroon ito noon ng ugnayan sa aktres na si Heaven Peralejo at Arabella del Rosario na kasamahan din ni Heaven sa bakuran ng Viva.
- Latest




















