^

Probinsiya

NAPOLCOM iniimbestigahan na gulo sa ASEAN rally

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Ralph Calinisan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naganap na komosyon sa pagitan ng mga pulis at raliyista sa kasagsagan ng 49th ASEAN Summit sa bansa.

Sa MACHRA Balitaan forum sa Harbor View Restaurant sa Maynila nitong Martes, sinabi ni Calinisan na nire-review na rin ng NAPOLCOM ang mga video at iba pang materyales kaugnay ng insidente. May nakita umano siyang mga kahina-hinalang pangyayari sa mga kuhang kumalat sa social media at mainstream media.

Binigyang-diin ni Calinisan na hindi sapat ang limang segundong video upang malaman ang buong pangyayari at matukoy kung sino ang unang nagsimula ng kaguluhan. Gayunman, aniya, may ilang eksena ng pisikal na komprontasyon na nangangailangan ng masusing pagsusuri.

Nangako ang opisyal na magiging patas at obhetibo ang imbestigasyon. Iginiit din niyang may karapatan ang mga raliyista na magpahayag ng kanilang saloobin, ngunit dapat ding igalang ang batas at karapatan ng ibang tao. Gayundin, hindi dapat gumamit ng labis na puwersa ang mga pulis sa pagpapatupad nito.

Sinabi rin ni Calinisan na maaaring magsampa ng kaukulang kaso ang sinumang naniniwalang naagrabiyado sa insidente. Binigyang-diin niya na ang kalayaan sa pagpapahayag ay may hangganan at kailangang balan­sehin sa karapatan at kaligtasan ng ibang mamamayan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with