^

Pang Movies

Female personality, dinedma sa party!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nilampasan lang ng ilang celebrities na invited sa isang malaking event ang isang sikat na female personality na visible rin sa showbiz!

Guest ang nasabing female persona­lity watching the event kasama ng iba pang personalities sa showbiz.

Pero ‘yung ibang singers, hindi man lang siya binanggit kahit nasa harap na niya si female personality. Akala ng organizer eh ang susunod na artista, babanggitin na siya’t pasasalamatan! Pero waley rin! Parang hindi nila kilala si female personality na lagi ngang present sa event ng kinabibilangan niyang network, huh!

Wala namang reklamo si female personality! Dedma siya kung batiin man siya o hindi! Sapat na sa kanyang maimbitahan sa event!

Mga beterano at baguhan, magpapaiyak sa 40 days

Ipinagpatuloy ng kapatid ng pumanaw na talent manager na si Leo Dominguez ang pagmamahal nito sa showbiz industry kahit hindi ‘yun ang mundo niya.

Corporate world ang mundo ng sister ni Leo na si Carol Dominguez na nakilala ng media sa presscon ng movie ng LVD Productions na 40 Days.

Naranasan ni Ms. Carol ang professiona­lism ng taga-industry nang makaharap niya ang mga ito para sa 40 Days.

Mula sa presentation ng script, thru PowerPoint pati na ilang detalye at lalo na ang gastos!

Kaya naman na-realize ng sister ni Leo ang pagmamahal ng kapatid niya sa industry. Eh ang production ng movie eh tulong na rin nila sa talents ng LVD lalo na sa mga baguhan!

Pinagsama sa pelikula ang veteran stars at newbies na dinirek ng award-winning director na si Louie Ignacio.

Kabilang sa veteran stars na kasama sa movie ay sina Perla Bautista, Dina Bonnevie, Snooky Serna, Lotlot de Leon at Elizabeth Oropesa. Ang new stars na LVD talents ay sina Jayson David, Diego Gutierrez, Yvonne Asher at iba pa.

LEO DOMINGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with