Kim, sunud-sunod ang opening ng pop-up store!

hindi apektado sa pagsadsad ng ekonomiya
Sa kabila ng pagsadsad ng ekonomiya, tuloy ang pagdami ng pop-up store ng bag ni Kim Chiu.
Sabi niya sa huling post ay magbubukas ulit sila ng pop-up store sa Cebu.
Magkakaroon din sila sa Trinoma.
“And now, in just 3 DAYS, we’re opening in #CEBU City for the second time at AYALA CENTER CEBU! A week after that, we’re opening another Pop-Up in TRINOMA!
“We’re going BIG this time for our dear BUNNIES!
“So grateful to everyone who helped me turn all these little “what ifs” into reality.
“CEBU, hope you can come and visit us on our opening day this FRIDAY, NOVEMBER 6 10amAyala Center Cebu,” buong post ni Kimmy na ang sabi ay file photos ang kanyang mga ginagamit sa post.
Kabaliktaran nga ito sa ibang celebrity na nararamdaman ang krisis dahil sa patuloy na pagtaas ng dolyares na naapektuhan ang presyo ng gasolina at pangunahing bilihin.
Ang dami ring mga artista ang walang trabaho at kung meron mang iba na may trabaho, malaki ang bawas sa talent fee.
Pero obviously, hindi apektado si Kim, bonggang-bongga ang negosyo niya.
Nakapagpiyansa ang kapatid ni Kim na si Lakambini na kinasuhan ni Kim ng 124 counts of qualified theft.
Sinasabing diumano’y preggy si Kim kaya pulos from the archives diumano ang kanyang mga ipino-post sa social media.
Anyway, nagsara sa halagang P63.535 laban sa US dollars kahapon, Wednesday, ang halaga ng peso.
- Latest






















