^

PSN Showbiz

Piolo, Darren at Maymay, may pasabog!

Pilipino Star Ngayon
Piolo, Darren at Maymay, may pasabog!
Piolo Pascual, Darren at Maymay Entrata

Sunud-sunod na pasabog na performance ang mapapanood sa ASAP XP sa Pampanga sa pa­ngunguna nina Piolo Pascual, Darren at Maymay Entrata ngayong Linggo, Nobyembre 1.

Nag-uumapaw na kilig ang mararamdaman sa solo number ng OG heartthrob na si Piolo.

Kasunod nito ang bonggang P-pop showcase nina Darren, Maymay, BGYO at DNA.

Bibida sa sayawan sina Ogie Alcasid, Robi Domingo, Streetboys, Jane de Leon, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Ken San Jose, Nico Matugas, Spencer Capistrano, Patrick Ballesteros at G-Force sa kanilang handog na throwback dance party.

Dadalhin ni Carmelle sa ASAP XP ang kanyang kahanga-hangang entry sa Eurovision Asia. Kasunod nito ang pasabog na solo number ni Bamboo.

Walang humpay na sayawan naman ang makikita mula kina AC, Nico, Celyn David at Keisha Serna, kasama sina Teacher Georcelle, G-Force at mga estudyante ng G-Force.

Hindi rin magpapahuli sa sayawan at kantahan ang pinakabagong P-pop group na SunMoon.

Bonggang biritan naman ang mapapakinggan kina Ogie, Carmelle, Elha Nympha at 6cycle­mind.

Tuluy-tuloy na kasiyahan ang matutunghayan sa finale number mula kina Ogie, Robi, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darren, Maymay, Alexa Ilacad, Piolo, Pops Fernandez, Moira, Dylan Menor, Jona, Jason Dy, Katrina Velarde, Jed Madela, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Gianna Huelgas, Chan Martin, Kai Montinola, Esang, Elha, Carmelle, Lyka Estrella, Arvery Lagoring, Carmela Lorzano, Selina Griffin, Kaitlyn King, Jane, AC, Gela, Ken, Jeremy, Francine Diaz, Seth Fedelin, River Joseph, Ralph De Leon, Jarren Garcia, Jameson, BGYO, DNA, SunMoon, Nico, Spencer, Patrick, Celyn at Keisha.

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi, Belle, Darren, Alexa at BGYO Gelo.

Maricel at Vice, wagi sa PMPC Star Awards

Muling nag-uwi ng mga parangal ang Star Cinema ng ABS-CBN, kabilang sina Maricel Soriano, Vice Ganda, Nadine Lustre at Lucas Andalio, sa ginanap na Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies.

Naiuwi ng pampamilyang pelikulang Meet, Greet & Bye ang Movie Ensemble Acting of the Year na pagkilala, habang tinanggap naman ni Diamond Star Maricel Soriano ang Movie Actress of the Year na parangal.

Wagi rin ang drama-comedy na Call Me ­Mother ng Fan Favorite Movie of the Year, habang kinilala naman si Vice Ganda bilang Takilya King at si Nadine Lustre bilang Takilya Queen.

Pinangalanan din si Lucas Andalio bilang Movie Child Performer of the Year.

Ang PMPC Star Awards for movies ay nagbibigay pagkilala sa mga huwarang pelikula at personalidad sa bansa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with