^

Pang Movies

Sarah, nanggulat

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sarah, nanggulat
Sarah Lahbati
Sarah Lahbati via Instagram

Ni-repost ni Sarah Lahbati ang reel post ng Able Asia na kumakanta siya at ang ganda ng feedback, lalo na at jazz ang areglo sa song na “What You Won’t Do for Love.”

Ginulat ni Sarah ang netizens na hindi aware na kumakanta siya.

o fill the room organically.”

Matatandaang pinuri rin si Sarah nang i-post ang reels na kinakanta niya in French ang La Vie en Rose. Noon lang nalaman ng ibang netizens na kumakanta ang mother of two and she sings good!

And speaking of Sarah, isa siya sa mga bida sa pelikulang VHS ng Viva Films showing simula bukas, October 28, 2026 sa direction ni Darryl Yap. Horror movie ito at sa trailer, maririnig ang lakas ng sigawan ng cast.

Alden, nagpasamalat sa ‘Family’

Hinanapan ng fans ni Alden Richards ang Sparkle GMA Artist Center ng statement bilang suporta sa aktor sa mga pasabog ni Xian Gaza.

Nagbigay pa sila ng halimbawa na kung si Ruru Madrid daw ang siniraan ni Gaza o iba pang paborito ng network, tiyak na may pa-statement agad ang GMA. Hanggang kahapon, naghihintay ang fans ni Alden ng statement ng network.

Pero, paano kung si Alden mismo ang nagsabi na hindi na kailangan ng GMA na maglabas ng statement? Ganu’n pa man, may post sa Instagram ang Sparkle, short post na nabasa agad ni Alden at sinagot.

“Dear Alden,

We know your heart, we believe in you, and we stand firmly behind you.

Love, your Sparkle Family.”

Sagot ni Alden, “And i stand with the right fa­mily.”

Shuvee, may blessing ang panliligaw ni Anthony sa PBB

Tanggap ni Shuvee Etrata na baka ma-in love ang suitor niyang si Anthony Constantino sa isa sa female housemate sa loob ng Bahay ni Kuya. Posible raw na mangyari  ito dahil ilang buwan magkakasama ang mga housemate at hindi imposible na may magka-inlaban.

“ Okay lang! Sinong hindi magkakagusto do’n. Na para bang hindi ko na ‘yan inisip. We don’t own each other. Nasa sa kanya na ‘yon. Masasaktan ako, yes, pero at least makikilala natin siya. ‘Nandito tayo para i-support siya. Kung hindi man mag-work ang aming pagliligawan, may buhay pa rin siyang sarili niya, may buhay pa rin akong sarili ko,” sagot ni Shuvee sa tanong kung magkagusto si Anthony o may magkagusto sa kanya sa loob ng Bahay ni Kuya.

Pero si Anthony, kahit noong nasa loob na ng Bahay ni Kuya, nagpadala ito ng bouquet of flowers kay Shuvee. Para iparamdam na kahit matagal silang hindi magkikita at magkakausap, nasa isip at puso pa rin niya si Shuvee.

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with