Sanya, pressured mag-asawa

Masayang-masaya si Sanya Lopez sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. Isang foreigner at non-showbiz guy ang kasintahan ng Kapuso actress.
Minsan na naming nasaksihan na magkasama ang dalawa sa hindi inaasahang pagkakataon. “‘Yon na nga, thank you, Tito Boy. Kasi si Tito Boy ‘yung unang-una, kahit na anong tago mo talaga, ‘pag si Tito Boy, alam niya. Pero masaya palang lumove life ‘no, Tito Boy,” masayang bungad sa amin ni Sanya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Hanggang maaari ay gusto lamang gawing pribado ng aktres ang tungkol sa kanyang nobyo. Hindi naman kontrolado ni Sanya ang mga posibleng mangyari sa tuwing kasama ang kasintahan sa pampublikong lugar. “Mahirap siya talagang itago eh. Knowing na itago at iwasan, knowing na public figure kami. So hindi siya talaga maiiwasan. So kapag nakita kami, hayaan mo na lang, intindihin mo na lang sila. You don’t need to explain everything para sa kanila ‘di ba?” paliwanag niya.
Naiintindihan umano ng nobyo ni Sanya ang kanyang trabaho bilang isang artista. Hindi hadlang sa relasyon ng dalawa ang pagiging aktres ni Sanya. “Yes, sobra. Ang maganda lang din sa kanya, sinusuportahan niya ako sa lahat ng ginagawa ko. Hindi naman rin siya seloso. Siyempre ‘yung ibang sanay na hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend, Tito Boy, may mga nagseselos talaga din na, ‘Bakit naman nag-boyrfriend na si Sanya?’ or ‘Bakit meron na siyang partner?’ Umiingay na, na meron siyang ganito. So ang nangyayari sa kanya, meron ibang nakakakilala, ikinakalat. And then may mga something na hindi okay na sasabihin. As long as hindi ‘yon totoo, alam mo ‘yon, huwag ka na lang masyado magpaapekto. Importante, tayong dalawa,” pagbabahagi ng Kapuso actress.
Tatlumpung taong gulang na ngayon ang dalaga. Aminado si Sanya na nakararamdam ng pressure na mag-asawa kahit ngayon pa lamang naranasang magkaroon ng kasintahan. “Nakaka-pressure, hindi mo siya maaalis talaga. ‘Yung family din natin nag-e-expect. ‘Hoy! Ngayon ka lang nag-boyfriend. So kailan ka na magpapakasal? Kailan ka na magkakaanak?’ Nakaka-pressure sa isang babae, na sana hindi tayo magpalamon doon. Kasi the more na napi-pressure ka, lalo kang nag-o-overthink na mamadaliin mo na. Are you really happy kapag minadali mo na? Dapat ready ka na talaga,” paliwanag ni Sanya.
“Some of the women na nakausap ko kasi sinasabi nila, if magpa-family ka, actually, hindi mo alam kung kailan ka ready eh, ‘yon naman. Ikaw, kapag feeling mo nasa age ka na dapat, i-try mo na i-adjust ‘yung sarili mo sa part na ‘yon. To be honest, parang hindi ko pa alam. Kasi nabibigla ako eh, parang ngayon ka lang nagkaro’n ng partner. Tapos ikakasal ka na agad? Huh? Mag-aanak ka kaagad, parang gano’n ‘yung feeling pero ako, ina-adjust ko na, ‘di ba ‘yon naman talaga ‘yung gusto mo. Na kung sino ‘yung maging boyfriend mo, sana siya na ‘yung maging husband mo. So, kung ano man ang ibigay ni Lord, kung kailan man, siguro do’n sa moment na ‘yon, kailangan ready na rin ako, i-adjust ko na ‘yung sarili ko,” makahulugang pahayag ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest




















