^

Police Metro

Lacson, naghahanda na sa posibleng ‘iyakan’ sa Kamara

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan ni Senador Panfilo Lacson ang posibleng muling “iyakan” o emosyonal na reaksiyon mula sa mga miyembro ng Kamara de Representantes habang masusing sinusuri ng Senado ang mga “red flag” sa panukalang P7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027.

Ani Lacson, posibleng ibalik ng Senado ang “daan-daang bilyong” pisong binawas o inilipat ng Kamara sa ibang paggagamitan, kabilang ang mga pagbabagong ginawa sa pondo para sa Foreign-Assisted Projects (FAPs) at ang karagdagang pondong inilaan para sa mga flood control project.

Sinabi ni Lacson na magiging matigas ang paninindigan ng Senado laban sa mga pagbabagong makaaapekto sa pondo ng FAPs, dahil may mga obligasyon ang Pilipinas sa mga dayuhang katuwang nito.

Sa isang post sa X noong Linggo, binanggit ni Lacson ang paunang impormasyong natanggap niya na nagpapakitang may mga pagbabagong ginawa ang Kamara na nakaaapekto sa mga FAP at posibleng magdulot ng malaking gastos at iba pang pinansiyal na epekto sa pamahalaan.

Isa sa mga halimbawa ay ang Lakeshore (Laguna) Road Network, isang multi-year project na kinabibilangan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Diin ni Lacson, kapag hindi naipatupad ang mga FAP, maaaring managot ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagbabayad ng commitment fees, bukod pa sa iba pang gastos at pinansiyal na epekto.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Lacson sa paunang impormasyong natanggap niya na nagpapakitang nagdagdag ang Kamara ng pondo para sa mga flood control project.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with