Babangga kina Vice, Vic, Aga... KimPau pasok sa MMFF!

Nakapasok sa natitirang entries sa 52nd Metro Manila Film Festival ang KimPau movie na pinamagatang A Perfect Marriage ng Quantum Films.
Inasahan na naming makakapasok talaga ito dahil maganda ang naririnig naming feedback sa pelikula.
Nung nakausap namin si Atty. Joji Alonzo ng Quantum ay kampante siya dahil natuwa sila sa kinalabasan ng pelikula nina Kim Chiu at Paulo Avelino na dinirek ni Daryl Dan Villegas.
Malamang na isa ito sa pinakamaingay na entry dahil sa isyung kinasangkutan ng magka-tandem, lalo na si Kim.
Curious lang ako kung paano nila ma-handle ang mga isyu ni Kim tungkol sa kanyang ate na si Lakam at ang tsismis pang buntis ito.
Pero maganda raw ang pelikula, kaya sana mas mangibabaw ang ganda ng pelikula kesa sa intrigang dapat na sagutin ni Kim.
Ang iba pang entry na pasok para makumpleto ang walong entries ng MMFF ay ang Little Hope nina Yassi Pressman at Pepe Herrera, ang Los Salvajes Bravos nina Ruru Madrid at Romnick Sarmenta, at ang documentary film na Seeds of Peace ng Claretian priest na kuwento ni Fr. Rhoel Gallardo na ginampanan ni Zaijhan Jaranilla.

Kaabang-abang ngayong taon ang MMFF dahil sa lakas ng mga artistang bahagi ng walong entries.
Ang kinatatakutan ng lahat ay ang tambalan nina Vic Sotto at Vice Ganda na The Greatest Showdown.
Kaya nga ang narinig namin, sampung finished films lang daw ang nagsumite dahil sa takot nila sa mga makakatapat lalo na itong kina Vic at Vice Ganda.
Ang iba naman ay hindi raw natapos dahil sa sunud-sunod na pag-ulan, kaya hindi sila nakapagsumite.
Bukod sa kanila ay meron pang Aga Muhlach at Jodi Sta. Maria ng Viva Films; ang Haunted Carnival ng Regal Entertainment na pinagbibidahan naman nina Maricel Soriano, Julia Barretto ,at James Reid.
May pambata ring Amir ng GMA Pictures na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Will Ashley.
Kaya tingnan kung malalagpasan nila ang record ng nakaraang MMFF na hindi na nga ini-release ang box-office record nito.
Sana mas malakas ngayon dahil mukha namang unti-unting bumabalik ang interes ng manonood sa ating local films.
Ang host city ngayong taon ay ang San Juan, Mandaluyong at Bacolod.
Kaya ang parada ng mga bituin sa December 19 ay magsisimula sa Mandaluyong sa San Francisco Street, kanan ng Maysilo Circle, kanan ng Boni Avenue, kaliwa ng Barangka Drive, kaliwa ng Nueve de Febrero, kanan ng F. Martinez Avenue, kanan uli ng Maysilo Circle at kanan ng Boni Avenue, kanan ng New Panaderos, deretso ng General Kalentong, kaliwa ng F. Manalo, kanan ng N. Domingo, kanan ng A. Paterno, kanan ng Santoian/Pinaglabaan at kaliwa sa Pinaglabanan Shrine na kung saan doon ang last stop ng naturang parada.
Bago iyan ay magkakaroon muna ng parada sa Bacolod City na nakatakda sa December 12.
Jericho, Ashley, at Maris, hinuhulaan ng grand slam
Ang dami raw ni Will Ashley na ipinagpapasalamat sa Panginoon dahil sa pagkapanalo niyang Best Supporting Actor sa The Eddys at Gawad Urian. Pagkatapos nito ay ilulunsad na siyang lead actor sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Delivery Boi. Pero tila naasiwa pa si Will sa tawag sa kanya ni Mica Salamanca na premyadong aktor.
Pero marami pa rin ang umaasa na baka maka-grand slam siya rito. “Pinagpe-pray ko actually. Pero let’s see, let’s see. Pero happy ako na nagampanan ko nang maayos ang character ni Arvin Asuncion,” pakli ni Will sa nakaraang mediacon ng Delivery Boi.
Dagdag pang blessing kay Will ay bahagi rin siya sa pelikulang Amir na entry ng GMA Pictures sa MMFF.
Kasama niya rin dito sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Argus Aspiras at Caprice Cayetano.
Napag-usapan lang ang grand slam. Inaasahan ding maka-grandslam si Jericho Rosales sa kategoryang best actor.
Meron pang Gawad Pasado, Star Awards for Movies, at ang Luna Awards. Ayaw daw isipin ni Echo ang ganung ideya. “I don’t know,” bulalas ng premyadong aktor.
“For me…this is ahh, I always just look it as big big bonus and of course, pagdating na ng awards night, you know, validation siya ng hard work and it’s always nice to be seen and always nice to be recognized.
“So, when it comes, ahh it’s a great thing you know. Pero, siyempre hindi ko masyadong ini-stress yung sarili ko sa mga bagay na ganyan,” dagdag niyang pahayag.
Marami raw siyang dapat ipagpasalamat at ipagdiwang sa ganitong blessing.
“This is a celebration and I always celebrate you know…my work, my job and everything with myself, with my family, with my team.
“We celebrate almost every day. Little or big win, we’ll just celebrate,” napangiting pakli ni Jericho Rosales.
Si Maris Racal naman na hinuhulaang masusundan pa itong best actress award niya, marami raw ang nagdadasal para sa kanya, “Ay naku! Iniisip yan ng mga friends ko.
Ngayon pa lang happy na ako na may Urian ako. This is a dream come true,” bulalas ni Maris.
Wala pa rin naman daw nabago sa kanya pagkatapos nitong mga awards na natanggap niya. “I still feel the same. Gutom pa rin na aktres na handang matuto. Kaya yun!
“Excited lang sa mga upcoming na gagawin ko,” napangiting tugon ni Maris Racal.
“Ngayon pa lang happy na ako na may Urian ako. This is a dream come true,” bulalas ni Maris.
- Latest

























