Klarisse, delulu sa fhm

Magbabalik na sa sirkulasyon ang FHM magasin at may pa-survey ang magasin kung sino ang gusto ng tao na maging cover girl sa first issue. Kanya-kanyang banggit ng pangalan ng mga celebrity ang fans kung sino ang gusto nilang makita sa pagbabalik ng iconic magasin.
Nagbiro si Klarisse de Guzman, sabi nito, “Ako na ‘to. The champion is return.” Sineryoso ng isang netizen ang comment na ‘yun ng ex-Pinoy Big Brother housemate at nag-comment ng “Feeling naman neto ni Klarisse ang sexy nya eh noh?”
Anyway, paano kaya kung maging cover ng FHM si Klarisse? Gawan ng magandang concept na kayang-kayang gawin ng magasin. Ano kaya ang magiging reaksyon nito? Kapag nangyari ‘yun, si Klarisse ang may pinakamalakas na tawa.
Wilbert, nilinaw ang isyu sa kanila ni Paul
Agad sinagot ni Wilbert Ross ang isyu sa kanila ng fashion designer na si Paul Cabral, hindi na nito pinatagal ang isyu.
Pinost nito ang screenshot ng comment na “Totoo ba chismis kay Paul Cabral at Wilbert Ross? Omg.”
Sagot ni Wilbert, “Jusko lahat na lang, inasar yan sakin ni Ganda kase crush crush daw ako ni Paul that time dahil maganda daw boses ko.”
Sinundan pa ng comment na “Mamu is a good friend kaya tigilan niyo kakaissue. I hangout regularly kasama mga friends ni Motherdear ng walang ka malisya malisya at lahat sila marespeto kaya di ako naiilang sa kanila kahit pa makasama ko sa bahay.”
Ang payo kay Wilbert ng kanyang fans, hindi niya dapat dini-dignify ang ganitong iysu na obvious namang gusto lang manira. Dagdag na payo pa sa leading man ni Bea Binene sa Pee Mak, mag-focus na lang sa promo ng movie para makumbinsi ang iba pang netizens to watch the movie na showing na sa Oct. 14 nationwide.
In fairness kay Wilbert at sa iba pang cast ng movie, masipag silang mag-promo, parang araw-araw may ganap ang cast. Kahapon nga, nasa SM Seaside City Cebu ang cast still to promote the movie. Nangako ang WilBea fans na gagawin nila ang lahat para kumita ang movie para masundan pa ng film project ng WilBea love team.
Social media influencer, naglabas ng sentimyento sa epekto ng AI
Nalungkot ang mga nakabasa sa post ng social media influencer na si Inka Magnaye kung saan na-share na nawalan ng work ang mom niya dahil sa AI o artificial intelligence. Hindi lang ang mom niya ang kanyang binanggit, lahat nang artists at creatives na nawalan ng trabaho dahil sa AI.
Ang mom ni Inka ay si Lindy Pellicer, a veteran voice-over artist. Siya ang boses ng in-flight reminders at announcement ng Philippine Airlines (PAL).
“ Many years ago, I came across a quote that left an impact on me: Where you spend your money is a vote you cast toward the future you want.
“So big brands with money, I ask you: Is that the future you want? A world where numbers, codes, and programs siphon the earth’s resources and take opportunities from actual human beings?
“Sure, you save money. But money you would have spent on the real people who would LOVE to work with you, will end up spending this money back on you anyway. We are your customers, too.
“AI is a tool, but ethically should never be used to replace human talent. Yes, we can all tell. Yes, we do judge you when we see it . AI VOs sound lifeless. AI art feels lifeless. AI music sounds lifeless. Why? Because AI is not alive. It can never replicate life. And we are slowly being backed into a dead world one prompt at a time.
“If any brand or company out there wants to hire an amazing voice over, my mom ‘s schedule just freed up.”
Ang PAL kaya ang binanggit ni Inka na big brand na gumamit na ng AI sa kanilang in-flight announcement and reminders?
- Latest






















