Kim, luma ang mga pictorial?!

Ahh totoo kayang file photos ang latest post ni Kim Chiu?
Yup, sa abroad daw kuha ang mga nasabing photos kung saan ang isa sa nasabing mga snap ay naka-leather jacket si Kim.
Caption nga ni Kim sa nasabing photos: “Steady….
“Life may not always go as planned, but there will always be something to be grateful for, something to look forward to, and another reason to keep going.
“And today, I’m choosing to celebrate another little victory!
“HOUSE OF LITTLE BUNNY PH IS HOPPING BACK TO MINDANAO!!!?” buong caption nito.
Kasalukuyang naka-vacation leave si Kim sa It’s Showtime bilang host.
Ang haka-haka baka talagang na-burnout lang talaga si Kim sa work kaya siya namamahinga. Ang tagal na rin niyang super work.
Bulung-bulungan din na namamahinga si Kim dahil nagdadalang-tao nga raw ito.
Sa isang post para sa kanyang endorsement sa fast food chain ay parang maumbok daw talaga ang pisngi nito. ‘Yun daw ang latest na hitsura ni Kimmy.
Well, hintayin natin ang official statement ni Kim at ‘wag pangunahan kahit pa sinasabi nilang may umbok nga ang kanyang tiyan.
- Latest





















