^

Pang Movies

Ate Koring, laging kumukulo ang tiyan sa stress!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ate Koring, laging kumukulo ang tiyan sa stress!
Korina

Pumayat si Korina Sanchez dahil sa stress.

Nagma-manifest sa kanyang bowel habit ang nasabing stress kaya naman laging sira ang kanyang tiyan.

Three years na siyang may Irritable Bowel Syndrome o IBS.

Nagdudulot ito ng masakit na mga sintomas sa tiyan. Ang pagtigas ng dumi (constipation), pagtatae, kabag at pamamaga ng tiyan ay ilan sa mga karaniwang sintomas ng IBS.

Gamot, proper diet at healthy lifestyle ang solusyon.

Kaya naman ang payat niya. Twenty-five ang kanyang waistline at XS ang size at 0 ang size ng kanyang shirt/top.

 “Chronic e. Iyong parating kumukulo ‘yung tiyan mo. I think it’s either stress or dairy. I don’t think it’s dairy kasi gusto ko ng keso e. I love cheese and ice cream, whatever. Pero palagay ko sa rami ng ginagawa ko. And once that is triggered, it becomes chronic already. So, parang wala kang ganang kumain. Ang dami mong beses pupunta ng banyo. But it’s managed. It’s managed naman. So, minsan aatake siya. Minsan titigil. Ayun.”

Anong gamot?

“I take an antacid na medyo malakas. Lalo na if I’m going to eat something acidic or drink something acidic. So, kailangan alagaan mo talaga ‘yung gut mo. I do probiotics three times a day. So, kailangan pagsama mo talaga ‘yung wellness and ‘yung medicine. So, I’m a big believer of wellness. So, I take this real­ly powerful probiotic. It’s a pre-, pro- and postbiotic all-in-one. It’s a very powerful kind from Japan,” pagkukuwento niya kahapon sa media launching ng bagong reformat na Face to Face with Ate Koring na ngayon ay Gandang Mornings with Ate Koring nang punahin ko nga kung bakit siya parang mas pumayat.

Mas malinaw na ang sagot ni Ate Koring tungkol sa mga alok sa kanya sa pulitika.

“Pwede siguro kung talagang wala na ako ipangtutulong, kailangan ko nang gamitin ang kaban ng bayan. Hindi ba? So, hanggang mayroong pa naman akong way to help other people more directly, you can help people even without a position,” umpisa niya.

Pero na-push namin siya sa tanong na kung “for the record, if ever na may offer sa’yo this election, ano possibility?

“Tagal na akong may offer (na kumandidato).”

Pero ano possibility this election?

“I don’t know. First of all, I have to convince my husband (Mar Roxas). Maliliit pa ‘yung mga anak ko eh. If at all, one term lang. Kasi ayoko namang habang buhay ka mamumuno dyan. “

 Local or national?

“Mas madali yata ang national kaysa local. mano-mano ang local. Ito ha, baka sabihin ninyo tatakbo ako talaga. Hindi pa sigurado iyon. Hindi pa talaga sigurado.”

He’s against it (Mar)?

“Ah, no, no. Hindi naman. It’s just that we never get to talk about it because sadly I’m not obsessed with that idea. Kasi nga I’m very busy. “

Pero anong makakapagpapayag sa kanya?

“Funding. Ayoko mag-abono. Tsaka sa rami nang tinutulungan ko, kaila­ngan, kumpleto ‘yun. So kung sino man ang gustong tumulak sa akin dyan, kayo ang tumulong sa mga dati kong tinutulungan. Maliit lang ang sweldo eh,” katotohanang sagot ni Ate Koring.

Anyway, rebelasyon, kuwentong may puso, at inspirasyong tatatak sa ­viewers ang hatid ni Ate Koring sa Gandang Mornings with Ate Koring, kasama ang star-studded lineup para sa pilot week nito!

May mga kuwentong nakakatawa, may nakakagulat, at may nakakaantig.

Pero kapag si Korina ang kausap, asahan mong may mga katotohanan at personal na kuwentong lalabas na hindi basta-basta naibabahagi kung kani-kanino!

Ngayong Oct. 12, 11:00 a.m., mas magiging exciting at makabuluhan ang umaga ng mga Kapatid sa pagsisimula nito, ang pinakabagong weekday show ng TV5 na maghahatid ng bigating guests, nakakagulat na rebelasyon, at mga kuwentong kapupulutan ng inspirasyon.

At bongga ang unang salang dahil birthday mismo ni Ate Koring ang premiere!

Sa buong pilot week, sunud-sunod ang mga bigating personalidad na makakakuwentuhan niya, kabilang sina Lyca Gairanod, ang timeless loveteam nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal ng Mommy Guard, ang bagong laya na si Mary Jane Veloso, at ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Iba-iba man ang mundo ng mga bisita — mula showbiz at sports hanggang sa mga kuwentong pinag-usapan ng buong bansa — iisa ang dapat abangan: mga rebelasyon at personal na karanasang hindi lang basta trending, kundi may saysay at puso.

KORINA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with